Wednesday , December 4 2024
Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa publiko tungkol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS), at para makakuha ng suporta para sa Philippine Coast Guard at ibang ahensiyang kasama sa pagtatanggol ng ating teritoryo.

Ibinunyag ito ni Padilla nitong Miyerkoles sa isang seremonya sa BRP Teresa Magbanua, kung kailan na-promote ang aktor na si Gerald Anderson, Jr., na maging auxiliary captain sa PCG. Ani Padilla, bibida si Anderson sa sine.

“Gagawa po kami ng public information na pelikula na pagbibidahan po ni Gerald,” ani Padilla, na tagapangulo ng Senate committee on public information and mass media.

Aniya, ipapakita rin ng sine na malaki ang pwedeng maging papel ng entertainment industry sa paglaban sa fake news.

“Ang kababayan nating nabubuhay ngayon siguro 90% fake news, siguro magamit n’yo ang artista para magbigay ng tamang impormasyon lalo sa ganap natin ‘di lang sa loob ng ating bansa kundi sa ating teritoryo,” aniya.

Binati ni Padilla si Anderson sa kanyang promosyon, dahil isa siyang halimbawa hindi lang ng isang seryoso at dedicated na aktor kundi isang Filipino na mahal ang bayan at sumali sa Coast Guard Auxiliary.

Muling nanawagan ang mambabatas sa mga blogger at nagtatrabaho sa media – lalo ang may impluwensiya – na maging Coast Guard reservists din.

“Sana ang bloggers at nasa media, mag-reservist din kayo, pumasok sa PCG, makasama si Gerald at ibang artista na nagbibigay ng serbisyong libre. Kumbaga ang buhay nila, literal ‘yan, na isinasaalang-alang ang buhay nila,” aniya.

“Sana tulungan n’yo kami sa showbiz din na meron kaming isang mukha. At ang mukhang ‘yan magagamit ninyo para sa public information. Gamitin n’yo kami, gamitin n’yo sila,” dagdag niya.

Noong Hulyo, ihinain ni Padilla ang Senate resolution na nanawagan ng promosyon at pagpuri kay Anderson, na tumulong sa mga residente ng Quezon City na apektado ng bahang dulot ng Super Typhoon Carina at habagat.

Samantala, idiniin ni Anderson na “very inspiring” ang makasama si Padilla at opisyal ng Coast Guard sa pamumuno ni Admiral Ronnie Gil Gavan. Dagdag niya, idolo niya si Padilla, at ang pagkilala ni Padilla sa kanyang nakamtan — “inspires me to be even a better person”. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …