Sunday , November 10 2024
Alan Peter Cayetano DENR

Cayetano sa DENR  
RECLAMATION PROJECTS TUTUKAN

DAPAT magsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng komprehensibong pagsusuri sa mga ginagawang reclamation projects na nakatuon sa epekto sa kalikasan at impraestruktura, partikular sa paligid ng Manila Bay.

Ipinunto ito ni Senador Alan Peter Cayetano senador sa 2025 budget hearing ng departamento nitong 10 Oktubre 2024.

Ipinaliwanag ng senador, gayong ang pananagutan ng DENR ay sa mga environmental study, dapat din nitong isaalang-alang ang engineering factor.

Nauna nang inungkat ni Cayetano ang isyung ito kay Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan noong nakaraang buwan, at tinanong niya ang papel ng DPWH sa mga reclamation project, partikular sa mga isyu ng pagbaha.

Ayon kay Bonoan, ang pangunahing tinutugunan ng DPWH ay ang mga teknikal na aspekto ng reclamation projects para tiyakin na hindi makaaapekto sa mga umiiral na sistema ng flood control.

Kapag napatunayan na walang magiging problema, nagbibigay aniya ang DPWH ng “no objection,” pero ang pagsusuring ito ay limitado sa lugar ng reclamation lamang.

Iminungkahi ni Cayetano ang isang inter-agency collaboration sa pagitan ng DPWH at DENR upang mapabuti ang pangangasiwa sa mga proyekto ng reclamation at mabawasan ang mga panganib sa pagbaha.

Aniya, maaaring hindi kakayanin ng DENR lamang ang aspekto ng engineering lalo sa reclamation.

Sa pagdinig ng DENR nitong Huwebes, sinabi ni Cayetano na dapat tiyakin ng gobyerno na sustainable ang mga aksiyon nito dahil bilyon-bilyon ang ginagastos  sa reclamation at sa mga kaugnay na proyektong pang-impraestruktura tulad ng Bulacan airport.

Hinggil sa mga teknikal na kakayahan ng DENR at ang kakayahan nitong pangasiwaan ang mga proyekto, binigyang diin ni Cayetano ang kahalagahan ng master planning, partikular sa Laguna Lake, upang maiwasan ang mga hindi inaasahang epekto tulad ng pagdami ng populasyon sa Metro Manila.

Binanggit ni Cayetano ang mga isyu sa mga nakaraang reclamation, kabilang ang pagbaha na naging dahilan upang sisihin ng publiko ang mga naturang proyekto.

Upang matugunan ang mga alalahaning ito, hiniling ng senador kay Environment ang Natural Resources Secretary Toni Yulo-Loyzaga na dalhin ang mga alalahanin tungkol sa reclamation sa Gabinete.

“We always put first the projects na economically and financially viable, then to follow na lang ‘yung environmental aspect… Pero hindi naman palaging naiko-consider ang environmental aspect,” paliwanag ng senador.

“Dapat po kasi DENR ang mauna [sa process],” dagdag niya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOSTR02 conducts SalikLakbay in Search for GIs

ICYMI: DOSTR02 conducts SalikLakbay in Search for GIs

Cabarroguis, Quirino – DOST Region 02 thru the Provincial Science and Technology Office Quirino searches …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas Honey Lacuna

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas, bukas na — Mayor Honey

GOOD news para sa  pet lovers. Binuksan na ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan  ang pet …

Alan Peter Cayetano Chemical Weapons Convention OPCW

Panukalang palakasin tindig ng bansa laban sa chemical weapons

NAGPAHAYAG ng suporta si Senador Alan Peter Cayetano sa panukalang batas na naglalayong palakasin ang …