Monday , October 7 2024
Senate Ligtas Pinoy Centers Act

Pag-aaral ng mga bata para hindi maabala
LIGTAS NA EVACUATION SA BAWAT BAYAN, LUNGSOD SA BANSA TINIYAK SA LIGTAS PINOY CENTERS ACT

MATAPOS ang pag-aproba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng “Ligtas Pinoy Centers Act” (Senate Bill No. 2451), sinabi ni Senator Win Gatchalian na ang mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa ay isang hakbang na lang ang layo sa pagkakaroon ng sariling evacuation centers.

“Sa panahon ng kahit anong klaseng kalamidad, tulad ng bagyong nararanasan ng bansa ngayon, magiging mas madali ang paglikas ng mga apektadong residente kung mayroon silang permanenteng ligtas na matutuluyan. Mas mapabibilis din ang proseso para sa mga lokal na pamahalaan sa pagtiyak ng kaligtasan ng kanilang nasasakupan,” ayon kay Gatchalian.

Sa ilalim ng panukalang batas, na co-author at co-sponsor si Gatchalian, imamandato ang pagtatayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad, na magbibigay ng agarang tuluyan para sa mga lumikas o pansamantalang nawalan ng tirahan dahil sa mga bagyo at iba pang mga emergency tulad ng pagbaha, lindol, pagsabog ng bulkan, sunog, pagkalat ng sakit, at iba pa.

Ipinunto ni Gatchalian, Chairperson ng Senate committee on basic education, ang pagtatayo ng evacuation centers sa lahat ng lungsod at munisipalidad ay makatutulong upang matigil na ang paggamit ng mga silid-aralan bilang pansamantalang tirahan, na nagiging sanhi ng pagkaantala sa pag-aaral tuwing may kalamidad.

“Kung magpapatayo ang bawat lungsod at munisipalidad ng matatag na mga evacuation center, mapipigilan ang paggamit sa ating mga silid-aralan bilang pansamantalang tirahan ng mga nasalanta ng kalamidad,” ayon kay Gatchalian.

Ang panukalang batas ay nagtatakda na ang mga evacuation center ay dapat kayang labanan o matagalan ang hangin na may bilis na hindi bababa sa 300 kilometro bawat oras at seismic activity na umaabot sa 8.0 magnitude. Ang mga evacuation center ay dapat mayroon ding mga pasilidad tulad ng mga silid-tulugan, magkahiwalay na palikuran at paliguan para sa mga kalalakihan at kababaihan, mga lugar para sa paghahanda ng pagkain at kainan, at mga tinatawag na friendly spaces para sa mga kababaihan at mga bata. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Arrest Posas Handcuff

Solar installer arestado sa baril, bala at droga

MATAGUMPAY na naihain ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang dalawang search warrant laban …

Redrico Maranan Jose Hidalgo Jr Rommel Marbil

Hidalgo nagretiro
 P/BGEN MARANAN GUMANAP NA BILANG BAGONG PRO3 CHIEF

PORMAL na nagretiro sa serbisyo si P/BGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., at kompiyansang ipinasa ang …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …