HANGGANG sa kasalukuyan ay nanatiling suspendido ang operasyon ng Laoag International Airport dahil sa patuloy na nakararanas ng mahinang pag-ulan at bahagyang pinsala sa mga pasilidad.
Suspendido rin ang operasyon ng Vigan airport na nakararanas ng mahinang pag-ulan at binaha ang runway 20.
Kaugnay nito, kanselado rin ang mga flight ng Lingayen Airport dahil sa binahang bahagi ng runway 08.
Ayon sa CAAP, nanatiling suspendido ang San Fernando Airport na patuloy na nakararanas ng mahinang pag-ulan at mababang ulap sa papawirin, ganoon din ang paliparan ng Baguio.
Samantala normal ang operasyon ang paliparan sa Tuguegarao, Cagayan na nasa ilalim ng TD #1, may maulap na kalangitan at ligtas ang unang landing at paglipad ng CebPac.
Ayon sa CAAP, normal ang operasyon ng Cauayan at Palanan airport na nasa ilalim ng signal #1 dulot ng bagyong Julian.
Wala pang flight schedule ang Basco at Itbayat Airport dahil bumaba ang mga kable ng electrical at komunikasyon habang dalawang Fliteline Aircraft ang nasira. (NIÑO ACLAN)