Thursday , October 10 2024
Bong Revilla blood letting

Dugo dumanak sa QC sa kaarawan ni Revilla

DUMANAK ang dugo kahapon, 18 Setyembre 2024, sa Quezon City nang idaos sa Amoranto Sports Complex lobby ang “Dugong Alay, Pandugtong Buhay” bilang bahagi ng ika-58 kaarawan ni Senador Ramon Revilla, Jr.

Katuwang ni Revilla ang Chinese General Hospital and Medical Center at Lung Center of the Philippines na nanguna sa pagkuha ng dugo sa mga bagong donor at inimbitahan na regular donors na naghahandog ng dugo kagaya ng mga pribadong grupo gaya Alpha Phi Omega, Agimat Riders, at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Marines, Philippine Navy, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology,  at Philippine National Police.

Dumagsa rin ang mga kaibigan at tagasuporta ng senador mula sa showbiz industry gayondin ang mga nagnais na magboluntaryo.

Ang mga naipong dugo ay ipadadala sa partner hospitals upang makatulong sa mga kababayan na walang pambili ng dugo sa oras ng pangangailangan.

Aminado si Revilla na maging siya ay nagdo-donate rin ng dugo ngunit hindi lamang maaaring mangyari ngayong taon matapos siyang sumailalim sa isang operasyon sa kanyang tendons.

Iginiit ni Revilla na mabuti para sa katawan at kalusugan ng isang tao ang pagdo-donate ng dugo.

Naniniwala si Revilla sa bawat donasyong dugo ay maraming buhay ay madurugtungan.

Nanindigan si Revilla na malaking bagay ang ginagawang bloodletting dahil marami ang natutulungan ng proyektong ito – tuwing sasapit ang kanyang  kaarawan tuwing 25 Setyembre ng kada taon.

Tinukoy ni Revilla na noong nakaraang taon ay umabot sa 550 ang nag-donate ng dugo at nakaipon ng 266 blood bags na pinakinabangan sa buong taon.

Tumanggap ng pagkain ang bawat nagbigay ng kani-kanilang dugo na maaari nilang magamit sa sandaling mangailangan sila o ang miyembro ng kanilang pamilya basta makipag-ugnayan sa tanggapan ni Revilla.

Binigyang-diin ni Revilla na napakagandang adhikain ang “Dugong Alay, Pandugtong Buhay” dahil kitang-kita ang bayanihan at pagtutulungan ng mga kababayan para makaipon ng dugo at magamit sa panahon ng pangangailangan.

Samantala bago ang bloodletting ay nagsasagawa  si Revilla ng pamamahagi ng cash assistance sa Brgy. Batasan Hills at sa iba pang distrito sa Quezon City  upang alalayan ang mga nangangailangang kababayan at tuloy ay anyayahan ang mga may kapasidad maghandog ng dugo.

Kabilang sa ipinamahagi ni Revilla ang tig-P2,000 bawat isa sa pamamagitan ng Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot sa  mahigit 2,000 katao ang nabiyayaan.

Tiniyak ni Revilla na tuloy-tuloy ang tulong na ipagkakaloob niya sa lahat ng mamamayang Filipino bilang pagdamay sa panahon ng pangangailangan , sakuna, at kalamidad at bilang bahagi ng kanyang paglilingkod matapos na siya ay mapagkatiwalang maluklok sa puwesto. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Ramon San Diego Bagatsing III Pablo Dario Gorosin Ocampo

Haligi ng serbisyo publilko sa Maynila
BAGATSING AT OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

NAGSANIB-PUWERSA sa isang malalim na  makasaysayang pamana ng paglilingkod ang mga Bagatsing at Ocampo sa …

Alexandria Queenie Pahati Gonzales

“Queenie” magbabalik sa Mandaluyong City

MAGBABALIK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating congresswoman ng nag-iisang distrito ng Mandaluyong City …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Isko Moreno Honey Lacuna

Yorme sa pagtapat kay Honey — Bahala na ang tao ang humusga kung sino ang gusto nila

I-FLEXni Jun Nardo PORMAL nang naghain ng candidacy bilang Manila Mayor aspirant si Isko Moreno kahapon ng …