Wednesday , October 9 2024
Lito Lapid Sarangani

Sa Sarangani
1,000 PAMILYANG KAPOS INAYUDAHAN NG DSWD

NASA 1,000 pamilyang mahihirap na residente sa Alabel, Sarangani ang binigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa  ilalim ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).

Sa pagtutulungan ng opisina nina Senador Lito Lapid at Governor Ruel Pacquiao, nabiyayaan ng kaukulang tulong pinansiyal ang mga benepisaryo sa Sarangani nitong Martes, 3 Setyembre.

Kabilang sa mga benepisaryo ay mga estudyante, single parents, vendors, tricycle drivers, persons with disabilities (PWDs) at senior citizens.

Sa kanyang mensahe, inaasahan ni Lapid na kahit paano ay makatutulong sa kanilang pangangailangan ang kaunting ayuda mula sa pamahalaan.

Todo pasalamat ang mga benepisaryo kay Senador Lapid sa napapanahong ayuda sa kanila. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

NABIGYAN ng matataas na kalidad ng trabaho ang mga Bulakenyo na nasa sektor ng construction …

internet wifi

Libreng Wi-fi sa public schools isinusulong

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magkaroon ng mas epektibong pagpapatupad ng libreng wi-fi program …

Pablo Virgilio David Pope Francis

Pinoy Bishop itinalagang Cardinal ni Pope Francis

ITINALAGA ni Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang ikatlong Filipino cardinal. Tinukoy …

Krystall Herbal Oil

Skin flakes sa anit tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …