Saturday , September 7 2024
immigration passport plane map lebanon

Sa ilalim ng repatriation program
16 OFWs SA LEBANON LIGTAS NA NAKAUWI

LIGTAS na nakabalik sa bansa ang 16 overseas Filipino workers (OFWs) lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  terminal 3 mula Lebanon.

Ang mga naturang OFWs ay boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng gobyerno.

Sila ay natatanggap ng tulong-pinansiyal na P75,000 mula sa Department of Migrant Workers (DMW) action fund at iba pang suporta mula sa gobyerno.

Bukod dito, tatanggap sila ng karagdagang P75,000 mula sa OWWA at P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Umabot na sa kabuuang 305 OFWs ang na-repatriate ng pamahalaan galing sa Lebanon mula noong 2023 dahil sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng Israeli at Hamas. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

Krystall Herbal Oil

Warts sa gilid ng ilong natuyo, nabakbak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m 49 …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Carlos Yulo ArenaPlus

Sa makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics
DigiPlus, ArenaPlus pinarangalan si Yulo, niregalohan ng P5-M cash

TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo — nasa gitna …