Friday , September 13 2024
Alan Peter Cayetano

Hirit ni Sen. Alan
Ekonomiyang maunlad, hindi sugal, magpapaunlad sa kaban ng bayan 

TUTUKAN ang pagpapalago sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya imbes umasa sa iba’t ibang uri ng sugal para mapalago ang pondo ng gobyerno.

Ito ang pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Martes bilang tugon sa mga panukala sa House of Representatives na muling buhayin at gawing legal ang e-Sabong bilang kapalit sa nawalang revenue kasunod ng pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na ipinataw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Binigyang-diin ng senador ang pangangailangang mamuhunan sa agrikultura, isulong ang turismo, at pasiglahin ang mga industriya upang lumago ang kaban ng bayan.

Aniya, ang mga sektor na ito ay magbibigay ng pangmatagalang financial benefit sa bansa at magdudulot ng positibong epekto sa buhay ng mga Filipino, hindi tulad ng sugal.

Bilang matinding kritiko ng lahat ng anyo ng gambling sa bansa, matagal nang nagbababala si Cayetano sa mga negatibong epekto ng online sabong, na hamak ang laki kaysa anomang pinansiyal na pakinabang na maaaring ibigay nito.

Punto niya, dahil madaling ma-access ang online sabong, mas mataas din ang posibilidad ng adiksiyon, pagkabaon sa utang, at pagdami ng krimen, kabilang na sa mga kabataan.

“Ano ba y’ung itinatanim natin sa next generation? Wala pa akong nakitang bansa na talagang umunlad dahil sa online gaming,” aniya sa isang press conference noong 18 Hulyo 2024.

Dalawang taon na ang nakalilipas, nakinikinita na ni Cayetano ang posibleng muling pagbuhay sa e-Sabong matapos itong ipatigil.

“Sa totoo lang, magpapalamig lang ‘yan. Tapos sa Senado naman pupunta para sa franchise, o sa next administration,” aniya.

Matatandaang ipinahinto ang operasyon ng mga e-Sabong sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagkawala ng mahigit sa 30 indibiduwal na sinabing sangkot dito.

Punto ni Cayetano, kung patuloy na igigiit ng taongbayan ang pagtutol sa e-sabong at ang pagkakaroon ng mas maraming investment at trabaho sa bansa, “God willing po hindi na ito makababalik.” (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …