HARD TALK
ni Pilar Mateo
BAKIT Kono Basho?
Isa sa tanong namin sa bagong sibol na producer na si John Bryan Diamante. Na siya ngayong Executive Producer ng Mentorque Productions.
Ilang pelikula na rin ang nagawa nito at ng kanyang Mentorque.
At ang huli nga ay ang multi-awarded ng iba’t ibang award giving bodies na Mallari.
“What drew me to ‘Kono Basho’ was the powerful story that embodies hope in the face of adversity. Witnessing Rikuzentakata’s rebuilding and the community’s spirit is incredibly inspiring. I want audiences to feel the warmth and solace this film offers.”
At mapapanood ito ngayon sa Cinemalaya 2024 sa Ayala Malls sa Aseana Boulevard (hanggang August 11).
At ang suwerte nga naman para sa dinapuan ng isa sa bida roles na si Gabby Padilla. Kumbaga, meant for her ang papel ng isa sa half-sisters na naghahanap ng mga kasagutan sa mga alaalang matagal na kinimkim sa puso.
Sa gala premiere nito, marami ang tinamaan sa ikot ng kuwento nina Reina (Arisa Nakano) at Ella (Gabby).
Mula sa iskrip na siya ring direktor nito na si Jaime Pacena II, inialay nito ang pelikula sa kanyang anak na si Sunday. Na inaasahan niyang sa paglaki ay magbibigay sa kanya ng ibayong gabay sa tatahakin nito sa buhay. With life’s complexities.
Nagbabalik naman sa kanyang pagiging cinematographer o director of photography si Dan Villegas na nagbigay na rin sa atin ng ilang makabuluhang mga pelikula bilang isang direktor.
Na-capture nito ang ginamit na lokasyon para sa kuwento nina Ella at Reina sa Japan. Sa Rikuzentakata (na nasa Iwate Prefecture). Matapos na hambalusin ito ng tsunami. Na siyang nagbigay inspirasyon kay Direk J sa kanyang istorya. Dahil ilang panahon din siyang nanahan sa nasabing bansa.
Tuwang-tuwa siya sa naging pagtanggap ng mga manonood sa pelikula. Na inaasahan niyang mapapanood din sa mga sinehan very soon.
Ganito rin ang pakiramdam ni Bryan sa nasabing proyekto. At ito na nga ang tinatahak niyang landas. Na maging out of the box sa mga gagawin niyang proyekto.
Sa ilang speeches ng bagong producer, masasalamin na naroon ang rubdob ng pagmamahal niya sa pag-angat ng ating mga pelikula. At dahil nabigyan siya ng pagkakataon para ito magawa, sa kabila ng ilang pait na dinaanan sa mga karanasan sa mga maling taong nagbigay din naman ng leksiyon sa kanya, he continues to be a risk-taker. Learning the ropes of movie producing.
His is such a brilliant mind. At ‘di naman kailang bukod sa pelikula ay may isang buhay pa siya sa mundo ng politika.
As part of the wind beneath the wings of personalities he calls his bosses, Star for All Seasons Vilma Santos and Senator Ralph Recto, his time management is impeccable.
“Para sa kaalaman ng lahat there is a collective effort to bring various programs and services to every province in the country. It’s called the ‘Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’ para mas maintindihan at magkaroon ng better appreciation ang mga Pinoy sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan. Sixty one (61) Agencies, 400+ Programs and Services targeting 13M+ Filipinos prioritizing the vulnerable and hopefully educating the entire population.
“Bringing everyone together so that we can maximize and utilized efficiently our resources so that we can be productive and open more opportunity for all.”
Ikot siya sa iba’t ibang lugar ng bansa.
“This Friday sa Tacloban City at susunod naman ang Batangas to be hosted by ‘One Batangas and Talino At Puso’ headed by Gov. Vilma Santos-Recto and #SenCongSec Ralph Recto katuwang ang mga lider natin sa lalawigan.”
Sa pag-ikot din na ‘yan siya nagkaka-idea para sa mga susunod pang proyekto. Isang aabangan na nga ang isa pang horror movie na ihahatid ng Mentorque, ang Biringgan.
At ang pasabog na isa pang Vilma Santos project.
Kono Basho. This place. This is the place where filmmakers like Direk Jaime, Direk/DOP Dan with an Antoinette Jadaone, too thrives!
More of this please, Bryan Dy!