HARD TALK
ni Pilar Mateo
TOTOO naman na tayong mga Pinoy ay sobrang haling sa mga beauty pageant. Paligsahan ng kagandahan at patalinuhan din. Bonus na lang ang mga seksing kurbada ng mga katawan in their swimwear.
Sa Setyembre 27- Oktubre 4, 2026, may sasalihan na naman ang mga Pinay. At sa pagkakataong ito, dadalhin niya ang Pilipinas sa Kathmandu, Nepal sa pagsalang niya sa Miss Foreign World Philippines 2026.
Ipinakilala sa media si Sherrymae Valenzuela, na sininulan ang pangarap sa edad na 17, sumali sa Bb. Angono ng Sining.
Kaya ang self-discovery ang naging inspirasyon ni Sherrymae para hindi tumigil sa pagsali sa anumang kompetisyon-na karamihan ay may kinalaman sa pagandahan.
Pero natikman na rin niya ang makilala sa Sexy Babe. Miss Earth 2020. Modelo. Timtokerist. Na kinalaunan ay naging alaga na ng Katwalk Dolls ni Madam Katniss Griffiths. Na siyang humubog kay Sherrymae para marating ngayon ang isang matinding hamon.
Sa ginanap na crowning and sashing sa Victoria Sports Cinema, maraming naibahagi ang dalaga sa mga tanong sa kanya.
Minsang naging heatbroken ay nakagawa pala siya ng kanta (Maririnig). At naririnig na nga on Spotify. Na nang mapakinggan daw ng pianista ni Regine Velasquez ay nagawan ito ng magandang areglo. Isang rap artist na ayaw na niyang ipakilala ang sumugat sa kanyang puso. Pero pareho na raw silang naka-move on kaya ayaw niyang mag-dwell sa mga bagay na negatibo.
Isa pang pagsubok na hinarap niya ay nang sumakit din ang puso niya nang tumigil sa pa-aaral. Kahit pa nakukuha niya ang pinaka-mataas na karangalan sa paaralan. Pumanaw ang ama. Kaya nakudlitan ang eskwelahan.
Ano naman ba itong Miss Foreign World 2026?
Isang international platform na nakatuon sa pagpapalaganap ng cultural diversity, international relations, at kapayapaan sa pagitan ng mga bansa.
Ang misyon ng organisasyon ay bigyan ng kapangyarihan ang kababaihan sa pamamagitan ng kanilang mga adbokasiya, magpalaganap ng turismo at magkaroon ng makahulugang pakikipagtulungan habang binibigyang pansin ang ganda at kultura ng mga kasaling bansa.
Excited si Sherrymae sa bansa na ibabandera niya ang Pilipinas. Kapalit din ang mga matututunan niya sa kultura at ikot ng buhay doon.
Kabilang sa mga sumuporta kay Sherrymae sa kanyang “journey” ngayon ay ang sumusunod:
*Victoria Sports Club – Official Venue Partner
* VS Hotel Convention Center
* Royal Aesthetics Philippines
* Phil Ace Vantage
* Pho Story
* Namkwang Seaweed
* Flanax
* Evensia
* Super Crunch
* Super Delights
* Gold’s Gym Philippines
* Health and Beauty Republic
* Vital Purified Drinking Water
* Fleur De Monde
* Vigere Salon and Makeup Studio
* Zesto Corporation
* Destileria Limtuaco
* Maria Clara Sangria
Kaya ang saya ng mga nagsidalo dahil bukod sa nasabing mga produkto, nagbahagi ng kanyang cash blessings sa pa-raffle ang dalaga.
Nagkakaisa naman ang lahat sa pagasasabing Sherrymae has that glow of confidence na matagal na niyang taglay sa sarili. She’s got what it takes para makuha ang titulo.
“Behind the glamor? I am still that simple girl with very big dreams. Having thst courage to never stop dreaming. Who’s been through many sacrifices. Na may nais na iwang legacy,” ani Sherrymae.
The road to glory has been paved.The countdown has begun!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com