HARD TALK
ni Pilar Mateo
SCISSORS. Monay. Hayok.
What comes to mind sa mga salitang ito?
Sa VMX, sa Mayo 22, 2026, aalagwa ang tatlong palabas na ito sa murang halaga sa inyong subscription.
‘Yung unang dalawa—Scissors at Monay ay idinirehe ni Christopher Novados. At ang ikatlo naman, ang Hayok ay kay Topel Lee.
Sa Scissors, karamihan na sumabak sa sexy scenes ay sina Rhian Rivera, Sandra Cruz, Ghion Espinosa, at Allison Ross.
It centers on betrayal. At isang mahalagang simbolo ang gunting sa umikot na istorya ng mga tauhan.
Sa Monay sina Sahara Bernales, Rash Flores, Sahil Khan, Kim Yashii, at Calix Garcia ang aabangan.
May interesanteng istorya sa tunay na buhay si Sahara.
Naikuwento niya na hindi siya focused sa pagkakaroon ng lovelife sa mga araw na ito. Bakit? Kasi limang kapatid niya ang suportado ang malapit nang magsipagtapos sa kanilang pag-aaral ang iba dahil sa mga pinagpapaguran niya. Kaya proud na proud siya.
At para naman sa mga magulang niya, tinatapos na lang ang bahay nila at pagkatapos ay ‘yung para naman sa kanya.
Ang interesting sa istorya ni Sahara, her Dad is a transman. At lesbian naman ang kanyang ina. Roon sila nananahan sa Pampanga. Ngayon ay transformed na raw si Tatay niya. Nagdadamit-lalaki na. Nag-aasikaso ng parlor nila. Si Mama niya ay dating OFW.
Happy ang disposition sa buhay ni Sahara at gusto pa rin naman nito na makatawid sa mainstream para mas makilala pa ang kakayahan niya.
Pero pwedeng-pwede pa ring sumali sa mas malakihang beauty pageant si Sahara.
Sa Monay, hindi horror ang tatakbuhin ng istoryang pinagbibidahan nina Nico Locco, Stephanie Raz, Apphle Celso, at Chester Garcia.
Hindi bothered si Nico sa latest na mga pangyayari sa buhay niya. Scandal and all.
Hayok na lang daw siya sa pagpapatuloy na gumaling pa sa mga proyektong ginagawa niya. At nabanggit nga nitong teleseryes are what he’s busy with now.
Dahil ang iniidolo niya noon pa man ay ang aktor na si John Arcilla.
In the movie, Nico’s character gets rejected several times ng type niyang babae.
Naranasan na rin naman daw niya ang rejection in different forms. Sa girls kahit noong nag-aaral pa lang siya. He was stood up by a date. Pero he gets lessons from those experiences.
Kung iku-connect sa role niya, ang paalala lang niya eh, “Be careful with leading men on. Something bad might happen. Stronger physically ang men.”
Operative word sa movie: umbrella position!
Ayan na ang treats ng VMX sa inyong mga suki nila. Grab this chance!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com