Sunday , June 21 2026
Migo Sonnets

Migo ng Sonnets peg ang Eraserheads, Bamboo wish maka-collab

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IBA-IBANG tono.

Ang bagong awit ng mga kabataan sa Hard Rock Café sa Makati.

Pitong bandang nagsisimula pa lang umusbong. May nauna. May dumating pa lang. 

Hapon nang sinimulan namin silang panoorin. Kanya-kanyang estilo. 

Parang bumalik kami sa panahon na may afternoon disco at ngayon malamang na ituloy-tuloy na ito ng Hard Rock sa pagbibigay nila ng pagkakataon sa mga bandang nagnanais na rumampa sa kanilang entablado sa pamamagitan ng Universiteen 2.0 na ang layon ay suportahan ang local bands.

Tig-15 minuto kaming in-entertain ng pitong banda in their wild and carefree stunts on stage. Kanya -kanyang personalidad as they showcased their genre and what stuff they are made of.

Ang pitong banda ay ang Waki and the Winstons,  Nextone, Grace Note, Better Days, Hey June, 25 Abbey, at ang Sonnets

May R & B, pop alternative, rock at iba pa.

Ang hindi bago sa aming banda dahil makailang beses na rin namin silang napanood kadalasan sa gig ng Innervoices ni Atty. Rey Bergado ay ang 25 Abbey at ang Sonnets.

Ang dalawang anak ni Atty. Rey ay nasa dalawang banda. Bahista na kumakanta rin sa 25 Abbey na si Ronan. At sa Sonnets naman, bokalista at gitarista si Migo.

All-out ang suporta ni Atty. Rey sa dalawang banda at tila rito na nakatuon ang kanyang pansin matapos na magpaalam muna sila ng Innervoices.

May  mahalagang trabaho sa isang ahensya ng ating gobyerno si Atty. Rey na mas kailangang pagtuunan ng pansin. Pero hindi naman ‘singtindi ng kinailangan niyang pagtutok sa dating banda ang kailangan nitong ibigay sa dalawang anak sa magkahiwalay na banda.

Si Migo ng Sonnets ang madalas na naming nakakausap. Buo ang loob nito na magpatuloy sa pagiging isang musikero.

Sa panahon ng pandemya umikot ang kanyang utak para rin makagawa ng may halos 10 kanta na nasa kanyang baul. At iniisa-isa na nga ang paglalabas sa bawat piyesa.

Kahit pareho silang may banda ng kanyang kapatid, hindi naman nananaig ang selosan sa kanila.

Natutuwa pa nga sila na gaya ng gig na ito ay magkakasama sila at nagkakaisa.

Ambon ang hatid nila sa mga music lover. Na may halong hugot at tungkol nga sa mga relasyong toxic.

Ako’y lalaya sa imahe mo…” ang isang linya sa kanta sa may malaki at mabigat na hugot.

Dasal ni Migo at ng kanyang mga ka-banda (Joed and Justin Annie) na makasabay sila sa agos ng ating mga OPM artist at makilala ang kanilang mga awitin sa panahong ito. 

Maganda naman ang layunin ng Hard Rock Café (and the Bistro Group) na suportahan ang  ating homegrown talents. Kaya for newbies wanting to try it out in the band scene, check out their website!

Sa nasabing gig, sinuportahan ng mga bandang nauna sa mga bago, ang Kenaniah at Imago ang kanilang mga kapatid sa musikahan.

Walang itulak-kabigin, oo.

Pero hindi na matatawaran ang supporters na lalong nagtutulak sa Sonnets at 25 Abbey na mas maging inspirado pa sa mga gagawin nilang pasabog sa kanilang mga kanta.

Ang Eraserheads ang peg at iniidolo ni Migo at sana raw ay maka-collab din si Bamboo

No pattern, no formula. Just doing what they know is best for Sonnets. Walang leader. Lahat sila may say in their decision-making.

Their aggressiveness o pagkarubdob sa ginagawa para sa banda ay sisiguruhing patungo sa isang malinaw na direksiyon. 

Bakit daw “Sonnets”? Nakakabit sa  traditional na sonnets, na malalim ang hugot, 14-line poems na iniuugnay sa romansa, pag-asam, at human experience.

Na nais iparamdam ng banda. Ma-capture ang saktong mga istorya na hindi naka-kahon lang sa isang musical genre.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …