Will Ashley Delivery Boi

Will Ashley bibida sa Delivery Boi 

MATABIL
ni John Fontanilla

MUKHANG tuloy-tuloy na nga ang suwerte kay Will Ashley sa pagdagsa ng magagandang proyekto sa kanya ngayong 2026.

Bukod nga sa sandamakmak na TV commercial, print ads, outside show, mall shows, at endorsement ay may mga pelikula pa itong ginagawa.

Dagdag pa riyan ang pagbibida nito sa isang malaking GMA series, ang Delivery Boi.

Makakasama niya sina Vince Maristela, Maricar De Mesa, Yasser Marta, Mikoy Morales, at Baninay Bautista sa nasabing serye.

Gigiling na nga ang camera para sa kaabang-abang na GMA series ni Will soon.