Friday , September 13 2024
Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Tacloban

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Tacloban dinagsa ng mga kongresista

DINAGSA ng halos 250 kongresista mula sa mayorya at at minorya ang unang anibersaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ginawa sa Tacloban, Leyte, ang lugar na winasak ng bagyong Yolanda ilang taon na nakararaan.

“Puwede nang mag-session sa rami ng kongresistang sumama,” ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ani Romualdez, P1.26 bilyon ang ilalabas ng BPSF para sa 253,000 benepisaryo sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Southern Leyte at Biliran.

“Tayo po ay sobrang natutuwa at napakaraming mambabatas ang dumalo sa ating mega Serbisyo Fair sa Eastern Visayas. Mayorya o minorya, hindi inalintana ang pagkakaiba para masaksihan kung paano ginagamit ng pamahalaan ang pondong ating inilaan para sa mamamayan,” ani Romualdez.

“Dahil iisa ang House of Representatives na ating kinabibilangan, at lahat tayo ay bumalangkas sa national budget at ating pinagdebatehan at inaprobahan ang pondong ilalaan sa pagtulong sa ating mga kababayan. At ito ang nasaksihan natin nang personal nitong katatapos lamang na Serbisyo Fair,” dagdag niya.

Kasama sa 242 kongresista na dumalo ay sina Basilan Rep. Mujiv Hataman; Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers; Iloilo Rep. Frejenel Biron; Navotas Rep. Toby Tiangco; Quezon Rep. Mark Enverga;  Albay Rep. Fernando “Didi” Cabredo; Caloocan Rep. Mitz Cajayon – Uy; at Pangasinan Rep. Christopher De Venecia.

Ang 8,500 benepisaryo sa Eastern Visayas ay tumangap ng bigas, tulong pangkabuhayan, at alalay sa edukasyon.

Ang programang ginamit ni Romualdez sa pamimigay ng ayuda ay ang Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, ang Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL), at ang Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth).

“Kapag may Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa isang lugar, isinasabay na rin natin ang CARD, SIBOL, at ISIP para matulungan natin ang mga sektor na hindi man nakasama sa 4Ps program ay alam nating nahihirapan sa hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay,” ani Romualdez.

“Kaya naman naisipan nating ilunsad itong tatlong programang ito para matulungan ang mga sektor ng senior citizens, PWD, single parent, IPs, estudyante, at maliliit na negosyante na apektado ng kahirapan. Ito po ang hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos, ang maabot ang lahat ng nangangilangan ng tulong,” aniya.

Anang speaker, ang pondong ginamit sa tatlong programa ay mula sa Ayuda sa Kapos sa Kita Program (AKAP) ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Senator Revilla, “ang Serbisyo Fair na ito ay patunay na nagkakaisa ang ating pamahalaan para sa kapakanan ng bawat Filipino.”

Si Revilla ay lumahok sa pamimigay ng ayuda sa Tacloban.

Si Leyte Governor Jericho Petilla naman ay nagpasalamat sa Kongreso sa ginawang – BPSF sa lalawigan ng Leyte.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa ating Pangulo, kay Speaker Romualdez, at sa buong Kongreso. Ang inyong tulong at suporta ay napakalaking ginhawa sa aming mga kababayan dito sa Leyte,” ayon kay Petilla. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …