Thursday , May 1 2025
Lito Lapid

Lapid maghahatid ng tulong at ayuda sa mga mangingisda sa Masinloc, Zambales

MAGSASAGAWA ngayong araw si Senador Lito Lapid ng AICS payout at relief mission para sa mga mangingisda sa Masinloc, Zambales na nawalan ng kabuhayan dahil sa fishing ban ng China sa Bajo de Masinloc noong 15 Hunyo.

Si Lapid ang nakaisip na hatiran ng ayuda at family food packs ang mahigit 300 fishermen na apektado ng fishing ban.

Bukod sa relief goods, mag-aabot din ang Senador ng tig-P3,000 kada mangingisda para sa  pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Sa pamamagitan ng kaniyang inisyatiba, naglaan si Lapid ng P1-milyon para sa ayuda sa mga mangingisda sa Masinloc, Zambales.

Base sa datos ng munisipyo, mahigit sa 3,000 mangingisda ang naapektohan ng fishing ban sa buong Masinloc. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pope Vatican

Bagong Santo Papa sa 7 Mayo pipiliin

INAASAHANG sa 7 Mayo 2025, nakatakdang simulan ng Simbahang Katolika ang pagpili ng bagong Santo …

Arrest Shabu

Drug den sa NE nilansag, 5 tulak timbog

ARESTADO ang limang indibiduwal sa loob ng isang makeshift drug den habang nasamsam ang tinatayang …

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) -Tarlac District Office ang isang …

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

Absentee voting ng AFP matagumpay na naisagawa sa Fort Ramon Magsaysay

MATAGUMPAY na naisagawa ang Absentee Voting para sa mga sundalo ng iba’t ibang Philippine Army …

Krystall Herbal Oil

Sakit ng ulo sa matinding init ng panahon pinayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …