Saturday , April 19 2025
Senate BGC bldg money

 ‘Marites’ sa hanay ng mga senador pinuna ni Binay

INAKUSAHAN ni Senadora Nancy Binay ang pagiging marites o ‘tsismoso’ ng isang senador.

Ito ay tahasang ibinunyag ni Binay sa isang press conference sa mga miyembro ng  media matapos na tanungin ukol sa kontrobersiyal na New Senate Building.

Ayon kay Binay, batay sa impormasyong kanyang nabatid, ang naturang senador ay patuloy na umiikot at nakikipag-usap sa kung sino-sino para siraan ang ilang mga kasamahan niyang senador.

Tinukoy ni Binay na ang paninira sa kanya at sa ilang senador na kagagawan din ng isang senador ay mayroong kaugnayan sa New Senate Building Construction.

Ngunit tumanggi si Binay na tukuyin kung sinong senador ang kanyang tinutukoy na isang tsismoso.

Kaugnay nito naniniwala si Binay na ang isyu ng bagong gusali ng senado ay iniuugnay sa pagitan ng lungsod ng Taguig at Makati lalo nang nakuha ng Taguig ang 10 Barangay ng Makati batay sa kautusan ng Korte Suprema. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …