Thursday , December 7 2023

Ghost project itinanggi ng construction company

092723 Hataw Frontpage

MARIING pinabulaanan ni Mary Mae Sebastian, isa sa may-ari ng P.L. Sebastian Construction, na mayroong tanggapan sa Inayawan, Sta. Cruz Davao del Sur ang akusasyong mayroon o sangkot sila sa ghost project partikular sa National Irrigation Authority (NIA).

Bilang patunay, agad tinukoy ni Sebastian na siyam na proyekto na ang nakukuha nila sa pamahalaan simula nang sila ay lumahok sa mga bidding.

Kabilang dito ang Construction/Improvement of Maguinadanao-Sultan Kudarat Brgy. Lebak-Kalamansi Road  sa ilalim ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) noong May 2009 hanggang Disyembre 2011;  Construction/Improvement of Malabang -Sultan Gumander Road sa ilalim ng DPWH noong Setyembre 2003 hanggang Disyembre 2007; Contract Package 3 Compostela-New Bataan-Liboton Road, Compostela Valley sa ilalim ng DPWH noong Disyembre 2000 hanggang Nobyembre 2003; Construction of River Protection/Flood Control Project sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Disyembre 2005 hanggang Disyembre 2006; Parang—Barira Road, Upgrading Project Municipality of Parangand Barira, Maguinadanao sa ilalim ng GEM2/USAID noong Pebrero 2006 hanggang Marso 2007; Construction of Baobo Diversion Dam, Right and Left Main Canals and Appurtenant Structures for Southern Philippines Irrigation Sector project sa ilalim ng National Irrigation Authority (NIA) noong Marso 2007 hanggang Agosto 2008; Construction/ Improvement of Kapalong- Talaingod -Valencia Bukidnon Road sa ilalim ng DPWH noong HUnyo 2008 hanggang Pebrero 2011; Concreting of Matanao—Kiblawan -Padala Road Package Including RROW, Davao del Sur sa ilalim ng DPWH noong Marso 2018 hanggang Enero 2019; at ang  Widening (2 to 4 lanes) of Maniki Bridge ad approaches along Tagum—Panabo Circumferential Road Davao del Norte sa ilalim ng DPWH noong Hulyo 2018 hanggang Nobyembre 2021.

Binigyang-diin ni Sebastian, lahat ng kanilang proyekto sa pamahalaan ay kanilang natapos sa takdang panahon.

               Bukod dito, ang kanilang mga materyales na ginamit ay pawang akma sa bawat proyektong kanilang pinapasok.

Ang P.L. Construction, Inc., ay naitayo noon pang 1981 sa katauhan ni Petronilo L. Sebastian, Sr., o mas kilala sa tawag na “Sir Nilo” at ngayon ay pinamamahalaan ni Engr. Petronilo Sebastian, Jr. 

Ang kompanya ay itinuturing na AAA General Engineering and Building Contractor ng Philippine Contractors Accreditations  Board (PCAB) of the Construction Industry Authority  of the Philippines (CIAP)/Department of Trade and Industry (DTI).

Tatak din ng kompanya ang pagkakakilanlan na Large B sa General Engineering and Building Category sa ilalim ng Contractor Registration  Certificate (CRC) ng DPWH.

Aminado ang mga Sebastian na hindi naging madali ang paglago ng kanilang kompanya noong ito ay simulang itayo ni Sir Nilo pero dahil sa kanilang pagsusumikap at pagtitiwala ng mga kliyente ay nagawa nilang magtagumpay.

Iginiit ni Sebastian, bukod sa mga tinukoy niyang proyeto sa pamahalaan ay mayroon din siyang mga kliyenteng pribado.

Ang paglilinaw ng mga Sebastian ay kanilang ginawa matapos na sila’y ipatawag ng senado ukol sa imbestigasyon sa ginawang privilege speech ini Senador Raffy Tulfo ukol sa iregularidad sa mga irrigation projects ng NIA.

Sa naturang pagdinig ay agad inilinaw ng mga Sebastian na handa silang humarap sa pagdinig dahil wala silang palpak na proyektong ipinasok hindi lamang sa NIA kundi maging sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

Handa umano ang mga Sebastian na makipagtulungan sa pamahalaan upang matukoy kung sino ang pumalkpak sa mga proyekto at bahagi ng mga ghost project.

Nanindigan ang mga Sebastian na hindi nila isusugal ang magandang pangalan, imahen, at reputasyon ng kompanya na matagal nang inaalagaan at iningatan ng founder nila simula nang itayo ito noong 1981. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …