Friday , December 1 2023

 ‘Natakot’ sa subpoena
ES RODRIGUEZ ‘LUMUTANG’ SA SUGAR FIASCO HYBRID HEARING 

090722 Hataw Frontpage

LUMUTANG si Executive Secretary, Atty. Victor Rodriguez sa ginaganap na pagdinig sa Senado kahapon kaugnay ng kontrobersiyal na Sugar Order No. 4, matapos magpasya ang mga senador na isyuhan ng ‘subpoena’ ang opisyal ng Palasyo kung hindi pa rin dadalo sa pagdinig.

Ang sinabing ‘pagkatakot’ ni Rodriguez na makatanggap ng subpoena mula sa senado ang pinaniniwalang nagbunsod sa biglang paglutang sa senado para harapin ang pagdinig ukol sa sugar fiasco.

Bago lumutang sa senado na tila ineskortan ni Senate President Juan Miguel Zubiri, sa botong 11-3-3, ay pinayagan ng mayoryang miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang pagpapadala ng subpoena kay Rodriguez para siya ay dumalo sa pagdinig kasunod ng paglagda ni Tolentino sa subpoena.

Tila naging sekreto ang botohan ng mga senador dahil idinaan ang pagdedesiyon ukol sa pagpapalabas ng subpoena sa isang executive session at secret ballot voting.

Magugunitang sa unang pagdinig ng senado ay saglit na dumalo si Rodriguez dahil matapos ang kanyang pahayag ay agad nilisan ang pagdinig dahil umano sa Cabinet meeting ganoon din ang naging dahilan niya kung kaya’t hindi nakadalo sa ikatlong pagdinig.

Bago ang ikatlong pagdinig, lumiham si Rodriguez kay Tolentino na hindi siya makadadalo sa ikatlong pagdinig dahil abala sa nakatakdang State Visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kaya laking gulat ng mga senador na biglang sumulpot sa kalagitnaan ng pagdinig.

Kasama at kasabay ni Rodriguez na dumalo sa pagdinig si Senate President Juan Miguel Zubiri na siyang nagsagawa ng privilege speech at humiling ng imbestigasyon ukol sa sugar fiasco.

Paliwanag ni Zubiri, tinatawagan siya ni Pangulong FM Jr., matapos mabatid ang subpoena para padaluhin si Rodriguez sa pagdinig.

Pinahalagahan ni Zubiri ang respetong ipinakita ng Pangulo sa Senado at mga senador para padaluhin si Rodriguez sa pagdinig.

Pinuna ni Zubiri si Rodriguez sa naging dahilan nitong State Visit ng Pangulo kaya hindi siya makadadalo sa pangatlong pagdinig ng senado gayong hindi siya kasama sa entourage ng Pangulo.

Kabilang sina Senador Risa Hontiveros at Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga naggiit na dapat humarap si Rodriguez sa pagdinig dahil sa ilang katanungan at paglilinaw.

Sa pagdalo ni Rodriguez, bukod kina Hontiveros at Pimentel, isa si Senador Alan Peter Cayetano sa naghain ng katanungan para sa opisyal ng Palasyo.

“Will you allow undersecretaries to sign for the president?”

 Ang tila nagtatakang tanong ni Cayetano kaya hiningi niya ang paglilinaw mula kay Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez sa employment status ni Agriculture undersecretary Leocadio Sebastian, ang tahasang isinangkot sa sugar fiasco.

Sa pagpapatuloy ng hybrid hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, kahapon, sinabi ni Cayetano na iniulat ng media na si Sebastian ay nagbitiw upang hindi makaladkad si FM Jr., sa kahihiyan dahil sa nasabing isyu.

Kinompirma ito ng Malacañang sa pagsasabing si Sebastian ay hindi na undersecretary, ayon Cayetano.

Gayonman, sinabi ng senador, mayroong mga ulat na si Sebastian ay hindi sinibak kundi suspendido lamang.  

 “The mere fact that someone signs for the president, it is more than enough grounds to fire him. If the whole sugar industry will suffer and people cannot buy sugar because it is too expensive already. I don’t know what are we waiting for to fire someone who did something like that,” pahayag ni Cayetano.

Sa pagharap ni Rodriguez, kinompirma niyang mayroon talagang usapin ukol sa importasyon ng asukal at kung gaano ang volume na aangkatin.

Aniya, hiniling nila ang import plan upang higit na mapagtibay ang anomang sugar order na ilalabas ukol sa importasyon ng asukal.

Hindi nagtagal ang pagtatanong kay Rodriguez dahil tatlong mambabatas lamang ang nagtanong sa kanya. 

Matapos ang pagdalo ni Rodriguez, tinuldukan ng Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa sugar fiasco kasunod ng paghahain ng mosyon sa pagsasara ng imbestigasyon na kinatigan ng mas nakararaming miyembro. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Mr DIY Kramer 1

MR.DIY HOLI-DIY Event Shines Bright with Team Kramer at Ayala Malls Feliz
With Exciting Prizes & Meet and Greet with MR.DIY’s Celebrity Endorser

Host Nicolehyala (far left in photo) with Team Kramer Doug, Cheska, Kendra, Scarlett, and Gavin …

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na …

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …