Thursday , November 30 2023
Taxi

Operators umaasa  
APRUB NG LTFRB SA DAGDAG P20 FLAG-DOWN RATE SA TAXI HINIHINTAY 

INAASAHAN ng grupo ng mga taxi operator  na aaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang kahilingan na P20 dagdag para sa flag-down rate.

Ayon kay Philippine National Taxi Operators Association President Atty. Jesus Manuel Suntay, hinihintay nila ang desisyon ng LTFRB sa kanilang panukalang dagdag P20 flag-down rate ng pasahe sa taxi.

“Waiting tayo sa decision ng LTFRB and we’re very hopeful [dahil] reasonable naman ‘yung hinihingi ng taxi industry, ‘yung karagdagang P20 sa flag-down rate,” ani Suntay.

Kung maaaprobahan, ang flag-down rate para sa mga taxi ay tataas sa P60.

Sinabi ni Suntay, kailangan talagang taasan ng mga taxi operator ang flag-down rate dahil sa sunod-sunod na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Aniya, ang limitadong operasyon at mga pasahero noong panahon na estriktong ipinatutupad ang mga protocols dahil sa CoVid-19 ay malaki ang naging epekto sa industriya ng pampublikong sasakyan.

Nangangamba ang mga operator na magpapatuloy ang pagtataas ng presyo ng petrolyo ngayong pagsisimula ng “ber” months.

Dagdag ni Suntay, konsiderasyon na ang nakalipas na pitong taon mula nang humingi ng dagdag pasahe ang mga taxi operator. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …

shabu drug arrest

2 tulak timbog sa P68-K shabu

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buybust …