Monday , July 14 2025
DSWD DILG Money

Utos ng DILG sa LGUs  
DSWD TULUNGAN SA PAMAMAHAGI NG AYUDANG PANG-ESTUDYANTE 

INATASAN ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., ang local government units (LGUs) na tulungan sa manpower ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak na magiging maayos at hindi na mauulit pa ang nangyaring kaguluhan sa pamamahagi ng ayudang pinansiyal sa mahihirap na mag-aaral.

Kasalukuyang ipinatutupad ng DSWD ang programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) o ang pagbibigay ng ayudang pinansiyal sa mga estudyante mula sa mahihirap na pamilya.

Sa ilalim ng programa, ang elementary pupils mula sa indigent families ay makatatanggap ng P1,000 bawat isa; P2,000 sa high school students; P3,000 para sa senior high school students at P4,000 sa college students.

At dahil dinudumog ng mga tao na nais makakuha ng educational cash aid ang DSWD Central at regional offices ay nagpasaklolo na sa DILG si Secretary Erwin Tulfo.

“In this massive undertaking, we look to our LGUs to assist us to be able to send out the AICS to the students who need them the most. Malaking bagay po ito para sa ating mga kababayan kaya naman inaaasahan natin ang tulong ng mga pamahalaang lokal (This is a big help to those in need, that’s why we expect the help of local governments),” pahayag ni Abalos.

Sa mga lungsod at malaking munisipalidad, hinikayat ng DILG na magsagawa ng multiple distribution centers upang maiwasan ang pagdagsa ng maraming mga estudyante at mga magulang.

“We call on our LGUs to respond proactively to the appeal of DSWD Secretary Tulfo. Hindi naman tayo bago sa mga ganitong pamamahagi ng tulong pinansiyal sa ating mga kababayan (We are not new to such distributions of financial assistance to our countrymen). Let us step up and extend all the help that we can provide for the success of the distribution of financial aid to our students,” apela ng DILG chief. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …