Friday , November 7 2025
lovers syota posas arrest

P43.5-M shabu, cocaine, damo, ecstasy drugs kompiskado sa magdyowa

UMABOT sa P43.5 milyong halaga ng cocaine, shabu, ecstasy at marijuana  ang nakompiska ng Quezon City Police District (QCPD) sa live-in partners sa isinagawang buy bust operation nitong Miyerkoles ng madaling araw sa lungsod.

Kinilala ni QCPD Director BGen. Remus Medina ang mga nadakip na sina Riza Bilbao, alyas Riza, 25 anyos, tubong Sultan Kudarat, Mindanao, at  Alvin Rapinian, 26 anyos, kapwa residente sa 16th Ave., Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Base sa ulat, dakong 2:30 am nang isagawa ang anti-drug operation ng Cubao Police Station 7 at Masambong Police Station 2 sa bahay na tinutuluyan ng live-in partners.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang bumili ng 1.5 kilong shabu, tinatayang may street value na P10,200,000.

Nang magkaabutan, dinakma ng mga operatiba ang dalawa.

Nakuha sa mga suspek nang 85 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P10,200,000, 35 kilo kush na may  halagang P4,900,000, isang kilong cocaine na may presyong P5,300,000 at 7,596 ecstacy na aabot sa P12,909,000 ang halaga, dalawang weighing scale, isang celphone, gayondin ang buy bust money.

Ayon sa mga suspek, sila lamang ang nagsisilbing caretaker ng naturang bahay at tinatawagan sila ng nagpatira sa kanila kung may idedeliber at kanila itong kinukuha at tatawagan din sila kung may kukuha ng package.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …