Thursday , November 30 2023
DILG DOJ

DILG magtatalaga sa DOJ ng representative para sa drug cases

MAGTATALAGA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos  ng permanenteng empleyado sa mga fiscals’ office upang umakto bilang kinatawan ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Layunin ng hakbangin para matiyak na ang mga inihahaing kaso ng mga awtoridad ay hindi maibabasura dahil lamang sa teknikalidad bunsod ng kawalan ng testigo.

Inihalimbawa ni Abalos ang kaso sa Mandaluyong, noong alkalde pa ang kanyang asawang si Vice Mayor Menchie Abalos, isang empleyado ang binabayaran at itinatalaga sa Fiscals’ Office upang maging DOJ representative sa lahat ng drug raids.

Ayon kay Abalos, ang magiging opisyal na tungkulin ng empleyado ay tumestigo sa Prosecutor’s Office upang matugunan ang requirement sa imbentaryo ng mga kinompiskang ilegal na droga.

“You look at the cases sa fiscal, dismiss ang kaso, ‘yun ang sinasabing kulang sa testigo, ang ginawa namin sa Mandaluyong ‘yung aking wife si Menchie Abalos, kumuha siya ng empleyado, ina-assign namin sa fiscal’s office at siya na ang representative ng Department of Justice sa lahat ng raid, ‘yun ang trabaho at siya ang magte-testify and in so doing na-satisfy namin ‘yung requirement na isang Barangay Captain at isang DOJ at halos walang na-dismiss na kaso because of that technicality in the city of Mandaluyong and that is what I intend to do,” ani Abalos, sa isang pulong balitaan, kamakailan.

Imumungkahi aniya ito sa Governors’ League at Mayors’ League at umaasa siyang makokombinsi na

i-adopt ang naturang sistema.

Tiniyak rin ng kalihim na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matuldukan ang problema sa ilegal na droga sa susunod na anim na taon.

Giit ng DILG chief, dapat bawat illegal drug case na ihahain ay ‘airtight’ at may matibay na mga ebidensiya upang hindi mabalewala dahil lamang sa teknikalidad. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …

shabu drug arrest

2 tulak timbog sa P68-K shabu

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buybust …