Sunday , March 26 2023
Rice, Bigas

P20 per kilong bigas, isusulong ng DAR

INIHAYAG ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz na posible at maaring makamit ang pagbaba ng bigas sa P20 kada kilo sa pamamagitan ng Mega Farm.

Ito ay matapos na ianunsiyo at ipangako kamakailan ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na pababain niya ang presyo ng bigas sa P20 per kilo.

“From the studies we conducted in the mega farms project, we found out that not only is the P20-a-kilo rice achievable, but it will also be profitable for our agrarian reform beneficiaries (ARBs),” batay sa pahayag ni Cruz nitong Lunes.

Sinabi ni Cruz na siyang proponent ng proyekto, na ang konsepto ng Mega Farms ay upang pagsama-samahin ang maliliit na lote ng sakahan upang maging mega farms para sa produksyon ng palay.

Aniya, ang “Mega Farm” ay isang kumpol ng magkadikit na mga sakahan na pinagsama-sama upang bumuo ng malaking plantasyon na may kakayahang gumawa ng malaking bulto ng mga produktong sakahan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamimili.

Ayon kay Cruz, ang DAR ay nakabuo ng proyekto na tinatawag na “Programang Benteng Bigas sa Mamamayan” (PBBM) sa ilalim ng mega farms project.

Ayon naman kay Undersecretary David Erro, co-proponent ng mega farms, ang PBB< ay magsisimula sa 150,000 ektarya ng lupang palay sa ilalim ng saklaw ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at ang mga katabing maliliit na lote nito.

Maaari umanong makagawa ang 150,000 hectare ng 142 kaban ng palay kada ektarya at taniman, kung saan ay kikita ang mga magsasaka ng P76,501.00 kada taon para sa mga ARB.

“We Filipinos have a daily average per capita consumption of rice at 301 grams or 109.9 kilograms per year. With that figure, this project can feed around 9 million poor Filipinos in our country,” paliwanag pa ni Erro.

“If our PBBM project under the ‘Mega Farm’ project pushes through, it will not only lower the price of rice to P20, but it will also liberate the farmer-beneficiaries of CARP from subsistence farming,” dagdag pa ng DAR official. (Almar Danguilan)

About Almar Danguilan

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …