Thursday , March 30 2023
Commission on Appointments

Limang appointee ni Digong na-bypass ng CA

TULUYAN nang hindi dininig ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ng lima sa mga itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte bago tumuntong ang election ban na mayroong kaugnayan sa nakalipas na halalan noong Mayo 9 ng taong kasalukuyan.

Hindi na kasi tuluyan pang nagkaron ng session ang CA dahil walang anumang rekomendasyong ginawa ang Committee on Constitutional Commission and offices na pinamumunuan ni Senadora Cynthia Villar.

Wala kasing quorum ang mismong Komite pa lamang ni Villar para talakayin ang ad interim appointment ng mga appointee ng Pangulo.

Kabilang sa tuluyang hindi lumusot sa CA na nominasyon ay sina Commission on Audit Chairperson Rizalina Noval Justiol na sana ay magtatapos ang kanyang termino sa Pebrero 2, 2029, Civil Service Commission Chairman Karlo Alexei Bendigo Nograles na magtatapos din sana ang termino ng Pebrero 2, 2029, Commission on Election (Comelec)  Commissioner George Erwin Garcia na magtatapos din sana ang termino sa Pebrero 2, 2029, Comelec Commissioner Aimee Torrefrancia-Nerina magtatapos din ang termino sa Pebreeo 2, 2029, at huli ay si Comelec  Chairman Saidamen Balt Pangarungan na magtatapos din ang termino sa Pebreeo 2, 2029.

Subalit sa limang ito tanging tatlong nominee lamang ang mayroong oppositor o tumututol sa kanyang appointment ito ay si Garcia na oppositor niya si Leonor Barcelon-Whale, kay Torrefranca-Neri naman ay si Atty. Ferdinand Topacio at si Pangarungan na ang oppositor ay sina Mauyag Papandayan , Khaledyassin Papandayan at Fr. Enrico Montano.

Sinabi naman ni Garcia na kanyang nirerespeto ang naging desisyun ng CA at ipapaubaya na lamang niya sa nanalong Pangulo ang pagpili ng uupo sa puwestong kanilang babakantehin.

Handa naman si Garcia na tumanggap ng appointment sa nanalong Pangulo na si Ferdinand Marcos kungs iay aalukin at sana ay muli sa Comelec siya italaga.

Natutuwa na din si Garcia sa pangyayari dahil hindi naman nayurakan o nabahidan ang kanilang pangalan dahil sa walang anumang tanong na naganap sa panig nila at tumututol sa kanilang appointment .

Dahil dito ay muling babalik si Garcia a kanyang pribadong buhay bilang abugado at guro na nagtuturo sa ilang mga paaralan.

Kaugnay nito sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na maigi na daw na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulong Marcos na mamili ng kanilang iluluklok sa mga nabanggit na puwesto.

Ngunit agad niyang nilinaw na present siya at ang miyembro ng senado sa CA subalit ang mga miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso ang wala sa pagdinig at sesyon.  (Nino Aclan)

About Niño Aclan

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …