Sunday , June 22 2025
Mag-utol na suspek arestado PINAGLUTO SA HANDAAN HINAMPAS SA ULO, PATAY

Mag-utol na suspek arestado
PINAGLUTO SA HANDAAN HINAMPAS SA ULO, PATAY

ARESTADO ang dalawang lalaking magkapatid matapos makapatay nang hampasin nila sa ulo ang kanilang kapitbahay sa lungsod ng San Pablo, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo, 29 Mayo.

Sa ulat ni Laguna PPO Provincial Director P/Col. Cecilio Ison, Jr. kay PRO-CALABARZON Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinialla ang mga suspek na sina Maximino Oribiada, 34 anyos, mananahi, residente ng Brgy.San Gregorio, San Pablo,  Laguna; at Ryan Oribiada,  25 anyos, laborer,  residente ng Brgy.Sinipian, Nagcarlan, Laguna.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Garry Alegre, hepe ng San Pablo CPS, nadakip ang mga suspek dakong 7:25 ng gabi kamakalawa sa Rail Road, Brgy. San Gregorio, sa naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente, dakong 4:00 ng hapon kamakalawa nang pinakisuyuan ang biktimang kinilalang si Diolando Banayad na tumulong sa pagluluto sa gaganapin na birthday party sa bahay ni Maximino.

Nang magpaalam ang biktima na uuwi na ay kumuha ng pamalong kahoy si Maximino saka hinampas sa ulo ang biktima, na sinundan ng panghahampas ni Ryan ng bote ng beer sa ulo ni Banayad.

Dahil sa tama sa kaniyang ulo sanhi ng pagpalo, agad binawian ng buhay ang biktima.

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng SWAT ng San Pablo CPS, nadakip ang magkapatid na suspek sa kanilang bahay sa nabanggit na barangay.

Nasa kustodiya na ng San Pablo CPS ang mga suspek habang isinasaayos ang pagsasampa ng kasong murder laban sa kanila.

Pahayag ni P/BGen. Antonio Yarra “Pinupuri ko ang San Pablo CPS sa agaran nitong aksyon para madakip ang magkapatid na sangkot sa panghahampas na ikinasawi ng biktima.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 – In a significant milestone for migrant worker reintegration …

San Jose del Monte CSJDM Police

Tatlong armado arestado
2 sekyu nailigtas sa mabilis na aksyon ng pulisya

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng pananakit, pananakot gamit ang baril, at pagdampot sa …

Bulacan Police PNP

Sa 24-oras na operasyon ng pulisya, 6 wanted sa batas nasakote

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang anim na indibidwal na na pinaghahanap ng batas sa …

No Firearms No Gun

Kawatan nanlaban, sapul sa pakikipagpalitan ng putok sa mga parak

SUGATAN ang isang lalakin matapos makipagpalitan ng putok kasunod ang mabilis na pagresponde ng mga …

ArenaPlus basketball coaching clinic FEAT

ArenaPlus empowers coaching clinic shaping future basketball champions

The future of basketball is bright as ArenaPlus, the country’s best sportsbook, partnered with coach …