Thursday , June 1 2023
Bus Buses

Nagbanta ng holiday o strike
‘WINDOW HOURS’ NG PROVINCIAL BUSES IPATIGIL  

KINALAMPAG ng iba’t ibang transport group na kabilang sa grupong National Public Transport Coalition (NPTC) at PASADA CC ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na agarang sundin ang kautusan ng korte na ibasura ang tinatawag na ‘window hours’ sa mga provincial buses dahil malaking pasakit ito at perhuwisyo sa panig ng commuters na pauwi at paluwas ng probinsiya na posibleng magbunsod ng malaking transport strike sa bansa.

Ayon kina PASADA  CC Secretary General Dome Hernandez  at NPTC Chairman Ariel Lim, ipinagtataka nila kung bakit hindi magawang respetohin at sundin ng mga ahensiya ng pamahalan ang kautusan ng korte ng Quezon City na payagan ang provincial buses na gamitin ang kanilang mga terminal.

Sinabi ni Atty. Vince Hondaris, mula sa samahan ng bus operators sa bansa, hindi lamang silang bus operators ang mahihirapan kundi maging ang kanilang mga empleyado partikular ang mga tsuper at konduktor.

Tinukoy ni Hondaris, bukod sa dagdag na gastos sa commuters ay hindi rin makapagpapahinga nang maayos ang kanilang mga driver at konduktor kapag hindi huminto sa kanilang mga bus terminal na mayroong lugar pahingahan.

Iginiit ni Hondaris, hindi lamang tao ang kanilang ililipat sa kanilang mga bus mula sa probinsiya na bababa sa mga itinakdang terminal sa Bulacan at Laguna kundi maging ang mga dala-dala nilang mga kagamitan na lubhang nagpapahirap sa commuters.

               “Hindi ito conducive at commuter-friendly sa mga pasahero,” pahayag ng grupo.

Bukod dito, naniniwala ang mga grupo ng transportasyon na lalong madaragdagan ng sasakyan at magsisikip ang trafik sa EDSA dahil kung dati’y sa isang lugar lamang ibababa ang mga pasahero gaya ng bus terminal, ngayon ay point-to-point kaya ang mangyayari ang kahabaan ng EDSA ay magiging babaan ng mga pasahero.

Paalala ng transport groups, hindi lamang umuuwi sa iisang lugar ang lahat ng pasahero ng provincial bus kundi sa iba’t ibang lungsod sa Kalakhang Maynila.

Naniniwala si Lim, ang programang ito ng pamahalan ay hindi pangmatagalan kundi panandalian lamang dahil sa sandaling matapos ang termino ng kasalukuyang adminitrasyon ay maaaring ituloy o itigil ng susunod na adminitrasyon.

Dahil dito nanawagan si Lim sa Kongreso na gumawa ng isang batas na magbibigay ng proteksiyon sa sektor ng transportasyon.

Kabilang sa mga dumalong transportation group ay TNVS, taxi operators, premium tax operators, tricycle  group and asssociations, PISTON, at iba pang grupo sa sektor ng jeep, UV Express group, samahan ng ng truck & hauler operators, at iba’t ibang grupo sa sektor ng transportasyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …