Tuesday , May 30 2023
presidential debate comelec pilipinas

Leni ‘di naduwag sa mga barako

HINDI naduwag, umatras, o nakitaan ng kaba si  presidential candidate Vice President Leni Robredo para harapin ang walong barako na kanyang katunggali sa pagkapangulo para sa isang presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec).

Tulad ng walong katungali ni Robredo, buong tapang at tatag na sinagot ni Robredo ang lahat ng mga tanong na ibinato sa kanya ng moderator at maging ng kapwa niya kandidato.

Sa kabila nito, hindi nagpatalo at nagpadaig ang mga kalalakihang presidentiables.

Kabilang sa walong presidentiables na dumalo ay sina Senador Panfilo “Ping” Lacson, at Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, former National Defense Secretary Norberto Gonzales, Ka Leody de Guzman, former Presidential Spokesperson Ernesto Abella, Faisal Mangondato, at Jose Montemayor, Jr.

Hindi dumalo sa naturang debate si presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., dahil pinili niyang makasama ang kanyang mga tagasuporta.

Dahil dito, nabigo si Marcos na sagutin ang ilang mga tanong at akusasyon laban sa kanya na ibinato rin ng ilang mga kandidato.

Sa naturang debate, kanya-kanyang pagpupursigi at pag-akit sa mga mamamayan na sila dapat ang iboto sa darating na halalan dahil sa sila ang karapat-dapat.

Buong kompiyansang inilahad ni Robredo, “the last man standing is a woman.” (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOH

Kontrobersiyal na Health official
‘DR. TROUBLEMAKER’ IMBESTIGAHAN NG DOH

HINILING ng grupo ng mga aktibo at retiradong kawani ng Department of Health (DOH) na …

Nelson Santos PAPI RTC

Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff …

DOST 10 PAPI DOST Flores Lantapan, Bukidnon Pineapple Fiber

DOST, Congressman Flores ink partnership to launch project on Pineapple Fiber Extraction in Lantapan

The Department of Science and Technology (DOST) and Representative Jonathan Keith Flores of the 2nd …

DOST 10 Subanen S&T Digital library

628 Subanen learners benefit from DOST’s S&T Digital library

Six hundred twenty-eight Subanen learners from Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) in Conception, Misamis …

Bulacan Police PNP

Negosyante na may kasong sexual abuse nasakote; 24 pang law breakers siyut sa balde

Umiskor ng matagumpay na operasyon ang pulisya sa Bulacan nang mahulog sa kanilang mga kamay …