Wednesday , March 22 2023
gun QC

2 kawatan patay sa shootout sa QC

PATAY ang dalawang hinihinalang kawatan makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling araw sa lungsod.

Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Remus Medina ni Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief, P/Maj. Loreto Tigno, ang isa sa suspek ay inilarawang nasa edad 30-35 anyos, may tangkad na 5’4”, nakasuot ng puting t-shirt, pulang short, itim na na sombrero, itim na face mask; samantala ang isa ay edad 35-40 anyos, may tangkad na 5’2”, nakasuot ng pula’t itim na sando, brown na short pants, itim na sombrero at tsinelas.

Sa imbestigasyon, habang nagpapatrolya ang tropa ng CIDU na pinangunahan ni P/Maj. Rene Balmaceda dakong 12:10 am nitong 20 Pebrero 2022 sa kahabaan ng Araneta Ave., corner G. Roxas Sr., Brgy. Manresa, Quezon City, ang biktima na kinilalang si Andrea Madrigal, ay humingi ng tulong dahil siya ay naholdap ng mga hindi kilalang suspek na tumakas patungong Araneta Ave., sakay ng isang tricycle.

Agad nagresponde ang mga pulis at naharang ang mga suspek na tugma sa deskrispyon ng biktima.

Ngunit imbes sumuko, bumunot ang dalawa ng baril at pinaputukan ang mga pulis kaya gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Narekober ng QCPD Forensic Team sa pinangyarihan ng insidente ang isang revolver na may dalawang fired cartridge cases, isang Magnum .357 Smith and Wesson revolver na may dalawang fired cartridge cases, apat na misfired na bala, dalawang bala, at 18 pakete ng shabu.

“Pinupuri ko ang ating mga pulis sa kanilang maagap na pagresponde sa biktima. Maging isang banta sana ito sa mga kriminal na walang takot sa paggawa ng krimen dahil marami tayong mga pulis na itinalaga sa lansangan upang magbantay sa katahimikan at kapayapaan ng Quezon City,” pahayag ni P/BGen. Medina.

“Ang Team NCRPO ay buong katapangang susuungin ang anomang panganib upang ipatupad ang kampanya laban sa kriminalidad. Kung kaya naman hinihingi namin ang kooperasyon ng publiko para sa ikatatahimik at ikaaayos ng ating komunidad,” tugon ni P/MGen. Vicente Danao, Jr., ang Regional Director ng National Capital Region Police Office. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …