Monday , September 25 2023
Imee Marcos

Tallano gold, Yamashita treasure itinanggi ni Imee

URBAN legend!

Ganito tinawag ni Sen. Imee Marcos ang mga kuwento tungkol sa pagkakaroon ng kanilang pamilya ng tone-toneladang ginto, mula sa Yamashita treasure o Tallano gold.

“I think it’s fun to think of all the gold, and it continues to be urban legend,” wika ni Imee noon sa isang interview sa telebisyon.

Ayon kay Marcos, wala siyang nakikita ni isang piraso ng ginto kahit madalas pa itong pag-usapan ng mga tao.

“I’ve heard about it being talked about constantly pero wala namang nakikita, wala naman kaming napapakinabangan, wala namang nabenta,” giit ni Imee.

Nagtataka rin si Imee kung bakit palaging idinidikit ang kanyang pamilya sa Yamashita treasure at Tallano gold.

Ngunit mismong mga tagasuporta ng kanyang kapatid na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang nagbibida sa social media na ipamimigay nito ang Tallano gold kapag nanalo bilang pangulo sa 2022.

Kamakailan lang, maraming residente ng Quezon City, Caloocan, at Pangasinan ang pumalag dahil nabudol sila sa Tallano gold.

Ayon sa mga nabudol, lumapit sa kanila ang mga nagpakilalang tao ni Bongbong at pinangakuan sila na bibigyan ng Tallano gold kapalit ng pagsuporta sa kandidatura ng anak ng yumaong diktador. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …