Friday , February 14 2025
Super Tekla Aira

Aira umalis kay Tekla na-culture shock sa buhay-Maynila

RATED R
ni Rommel Gonzales

Sa birthday celebration ni Super Tekla sa programa nila ni Boobay, nilinaw ng komedyante ang dahilan kung bakit umalis sa poder niya ang panganay na anak na si Aira na umuwi muli sa Bacolod.

Sa pamamagitan ng tawag, binati ni Aira ang kanyang ama at sinabing mahal na mahal niya ito kahit pa bumalik siya sa Bacolod kapiling ang kanyang lola.

Hindi porke umalis ako riyan hindi na kita mahal,” sabi ni Aira sa The Boobay and Tekla Show. “Mahal na mahal kita daddy. Kailangan ko lang umalis [para] ‘di na rin ako makaabala sa trabaho mo.”

Nais ni Aira na makapag-concentrate ang kanyang ama sa trabaho at hindi nag-aalala sa kanya.

.

Tiniyak niyang maganda at ligtas ang kalagayan niya sa piling ng kanyang lola at mga pinsan.

Magkikita rin tayo soon, daddy,” sabi niya.

Paliwanag ni Tekla, na-culture shock ang 12-anyos niyang anak nang kunin niya ito sa probinsiya at dinala sa Maynila para magkasama silang mag-ama.

Gayunman, naunawaan ni Tekla na nabigla ang bata sa biglang pagbabago sa paligid nito at malayo sa mga kaibigan.

Inakala raw ni Tekla noon na makakapag-adjust ang kanyang anak. Pero ngayon, tanggap niya na mas magiging maganda para kay Aira na manatili muna sa Bacolod sa piling ng kanyang lola at doon mag-aral.

Gayunman, hiniling ng komedyante sa anak na huwag mag-aatubiling tawagan siya kapag may kailangan o problema.

Nak hindi kita inoobliga na pahalagahan mo ako, just ano lang, connect lang sa akin. Kung anong problema mo, nandito lang ako. Just chat me,” sabi ni Tekla.

Kasabay nito, inihayag din ni Tekla ang hangarin na bumuti ang kalagayan ng bunso niyang anak na si Angelo.

Magiging kampante lang ako at masaya ako na parang makakatulog akong maayos kapag nakikita ko ‘yong anak kong stable at maayos…si Angelo,” ani Tekla.

About Rommel Gonzales

Check Also

Maris Racal Incgonito

Maris pinuri pagiging palaban, napatakbo ng naka-bra’t panty kahit malamig

MA at PAni Rommel Placente NAG-VIRAL ang bra’t panty scene ni Maris Racal sa ABS-CBN series na Incognito. Sa kanyang Instagram post, …

Jillian Ward Coco Martin Vice Ganda John Lloyd Cruz

Jillian gustong makatrabaho sina Coco, Vice, at John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente AYON sa lead star ng Kapuso series na My Ilonggo Girl, …

Jam Ignacio DJ Jellie Aw

Jam Ignacio binugbog daw fiancé na si DJ Jellie Aw;  Ogie Diaz may hamon—harapin mo ito!

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio GINULANTANG kami ng post ni Ogie Diaz kahapon sa kanyang Facebook account. Ito iyong …

ArenaPlus PVL Spikers Turf 4

ArenaPlus renews partnership with PVL and Spikers Turf

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment gateway in the Philippines, inked another year of partnership with …

Rhea Tan Beautederm Pacita Mansion

Alagang Beautederm ipinaramdam ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, Pacita Mansion nakakabilib sa ganda!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBANG klase talaga kapag ang napaka-generous at napakabait na Beautederm …