Tuesday , December 5 2023
Kiko Pangilinan

Pandemya tapusin mamamayan magbakuna — Pangilinan

NANAWAGAN si vice presidential aspirant Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa lahat na huwag sayangin ang tatlong araw na National Vaccination Day upang mabakunahan.

Naniniwala si Pangilinan, ito ang magiging susi upang mawakasan o tapusin ang pandemya sa buong bansa.

“Ang pagpapabakuna ay proteksiyon kontra CoVid-19 para sa ating sarili, mga mahal sa buhay, at kapwa. Makilahok at magpabakuna ngayong 29-30 Nobyembre hanggang  at 1 Disyembre 2021 sa three-day National Vaccination Day,” ani Pangilinan.

Hinikayat ni Pangilinan ang lahat na alisin ang agam-agam sa bakuna.

Iginiit ni Pangilinan, naririyan ang ating mga doktor, nurse, at iba pang health workers sa vaccination centers para matiyak na mapapangalagaan tayo sa araw ng bakuna.

“Tapusin na natin ang pandemya, makinig sa mga eksperto, tayo ay magpabakuna upang protektahan ang sarili at pamilya,” dagdag ni Pangilinan.

Paalala  ni Pangilinan, hindi biro ang virus lalo na’t mayroon na namang bagong variant na ang tawag ay  omicron.

“Habang inaalam ang mga katangian ng variant na ito, makinig tayo sa payo ng WHO, mag-face mask, mag-physical distancing, at hangga’t maaari, huwag munang lumabas at pumunta sa matataong lugar,” ani Pangilinan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

SM Foundation SM Prime 1

From challenges to change: SM Foundation and SM Prime build new school facility in Laguna

The new two-floor school building of Laguna Resettlement Community School features four fully equipped rooms …

Kathniel karla estrada

Karla pilit itinatago ang katotohanan

HATAWANni Ed de Leon ANG maaari lang tumapos sa mga tsismis na split na sina Daniel …