Wednesday , November 12 2025

4 tulak natiklo sa Manda, Marikina

NASAKOTE ng mga awtoridad ang apat na hinihinalang tulak sa ikinasang buy bust operations sa mga lungsod ng Mandaluyong at Marikina, nitong Martes, 2 Nobyembre.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Leandro Yu, 47 anyos; Arjay Caparal; Arthur Batulan, 28 anyos; at Mario Mallari, 41 anyos.

Unang naaresto sina Caparal, Mallari, at Batulan dakong 5:40 pm nitong Martes, 2 Nobyembre, sa JB Subd., Brgy. Nangka, sa lungsod ng Marikina.

Nakompiska ng mga operatiba mula sa mga suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000, shabu paraphernalia, at buy bust money.

Samantala, nadakip si Yu dakong 11:10 pm na iyon, sa Bliss Compound, Rose St., Brgy. Hulo, lungsod ng Mandaluyong. Nakuha mula kay Yu ang tatlong transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 4.3 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P29,240, at mga shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …