Thursday , September 12 2024
baboy money Department of Agriculture

Villanueva sa DA: Tulong sa lokal na magbababoy dapat mauna bago pork imports

“HINDI po ba sapat na patunay ‘yung namatayan ka para mabigyan ng ayuda? Kung ihahambing ito sa insurance ng tao, mayroon pong death certificate, ngunit inoobliga pang i-register ang birth, at ikuha ng death certificate ang patay.”
 
Ito ang malungkot na pahayag ni Sen. Joel Villanueva sa estado ng lokal na industriya ng magbababoy sa bansa, habang mariin niyang hinimok ang gobyerno na ilagay sa prayoridad ang pagbibigay ng tulong sa local hog raisers bago pa man luwagan ang restriksyon sa pag-angkat ng karneng baboy.
 
“Ang nakalulungkot po kasi, pati ang listahan dito ay wala pa rin. Hihintayin pa po ba natin maglabas ng obituary ang mga magbababoy?” susgo na tanong ng Senador mula sa lalawigan ng Bulacan.
 
“Bumabaha ng pork imports sa bansa, pero gapatak naman ang tulong at ayuda sa ating mga magbababoy,” himutok ng Senador.
 
“Mahirap naman po kung ang ETA o estimated time of arrival ng imported pork ay mas maaga kaysa delivery ng ayuda sa mga lokal na magbababoy. Kung tayo po ang nasa kalagayan nila, ano po kaya ang mararamdaman natin kung bumabaha ng pork import sa palengke samantalang makupad ang dating ng tulong sa atin?” ani Villanueva.
 
Dagdag ng senador, dalawang taon nang “delayed” ang Department of Agriculture (DA) sa paglalatag ng isang komprehensibong estratehiya sa pagsugpo sa African Swine Fever (ASF) na patuloy ang malubhang pinsala local hog raisers ng bansa.
 
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole nitong Martes, napansin ni Villanueva na hanggang ngayon ay hindi makapagpresinta ng isang “grand plan” ang DA para tulungang makabangon ang mga magbababoy ng bansa.
 
“Walang plano, walang strategy para buhayin ang namamatay na industriya ng pagbababoy. Ni-hindi po updated ang database ng ating hog farmers. Kaya ang resulta, dalawang taon na karamihan wala pang tulong na natatanggap,” anang senador.
 
Dapat umanong nakalista muna sa database o Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng DA ang mga lokal na hog raisers bago pa man maging kalipikadong tumanggap ng tulong mula sa gobyerno, maging ayuda man o galing sa Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC).
 
Ayon sa DA, ang “indemnification program” nito ay magbabayad ng P5,000 kada ulo ng apektadong baboy ng ASF, samantala P10,000 naman kada ulo ‘pag pasok ito sa ilalim ng panuntunan ng PCIC.
 
Ngunit hindi ito maipatupad dahil hindi pa finalized ang implementing guidelines sa insurance program at hindi updated ang RSBSA.
 
Diin ni Villanueva, trabaho ng DA na ayusin ang database nito para masimulan ang ayuda sa naghihingalong industriya ng pagbababoy sa bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *