Tuesday , October 8 2024

Senators umangal sa diskriminasyon vs pagbili ng bakuna

BINATIKOS ng mga Senador ang napaulat na draft memorandum ng Department of Health (DOH) ukol sa pagbabawal ng pagbili ng bakuna laban sa CoVid-19 ng ilang mga pribadong kompanya na maituturing na diskriminasyon.

Ilan sa mga senador ang bumatikos sa DOH ay sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senadora Nancy Binay at Imee Marcos.

Iginiit ng mga mambabatas, mukhang gumagawa ng sariling batas ang DOH dahil walang nasasaad na pagbawalan ang ibang kompanya sa pagbili ng bakuna.

Binigyang-diin ng mga senador na tila tinalo ng DOH ang senado at mababang kapulungan ng kongreso sa paggawa ng batas.

Napansin din ng mga senador na tila umaabuso ang DOH sa kapangyariihang ipinag­kaloob sa kanila ng batas sa paggawa ng Implementing Rules and Regulation (IRR).

Tinukoy ng mga senador, kung itutuloy ito ng DOH ay maaaring maharap sila sa kaso dahil sa usapin ng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa Pampanga
SIKAT NA ONLINE SELLERS TINAMBANGAN PATAY

HINDI nakaligtas sa kamatayanang mag-asawang kilalang online skin care sellers nang pagbabarilin sa bayan ng …

100724 Hataw Frontpage

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

ni NIÑO ACLAN NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng …

dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo …

Gun Fire

Hepe ng CDO police todas sa riding-in-tandem

PATAY ang hepe ng Cagayan de Oro CPO Station 2 nang barilin ng mga suspek …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *