Wednesday , January 15 2025

17th Congress 2nd regular session pormal nang binuksan

MASAYANG nag-uusap sina Senators Sonny Angara, Joel Villanueva, Nancy Binay, Cynthia Villar, Loren Legarda, Richard Gordon, Juan Miguel Zubiri (nakatalikod) at Sherwin Gatchalian bago magsimula ang 17th Congress 2nd Regular  Session sa Senado kahapon. (MANNY MARCELO)

PORMAL nang nagbukas ang sesyon ng Senado sa ilalim ng 17th Congress sa 2nd regular session nito, pinangunahan ni Senate President Koko Pimentel, at 19 pang senador.

Tanging sina Senador Antonio Trillanes, kasalukuyang nasa ibang bansa, at Senadora Leila de Lima, kasalukuyang nakakulong, ang wala sa sesyon ng Senado.

Dalawampu’t dalawa na lamang ang mga senador makaraan tanggapin ni dating Senador Alan Peter Cayetano ang pagiging kalihim ng Department of Foreign Affairs, at si Senadora Miriam Defensor-Santiago ay binawian ng buhay dahil sa sakit na kanser kamakailan.

Nagpapasalamat si Pimentel sa lahat ng mga kapwa senador, mga opisyal at empleyado ng Senado sa kanilang isang taon pagtatrabaho na hitik sa bunga.

Hindi naitago ni Pimentel ang pagmamalaki matapos mahirang ang Senado bilang “most trusted institution” batay sa isang lumabas na survey.

NAG-SELFIE sina Senators Risa Hontiveros, Cynthia Villar, Grace Poe, Loren Legarda at Nancy Binay sa loob ng session hall bago magsimula ang pagbubukas ng 17th Congress 2nd Regular Session kahapon. (MANNY MARCELO)

Sa talumpati ni Pimentel sa harap ng mga kapwa senador at mga panauhin na dumalo sa pagbubukas ng sesyon, ilan sa mga panukalang batas na magiging prioridad ng Senado ang mga sumusunod:

Tax reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN), Anti-Terrorism Law, National ID System, Universal Health Care Act, Bangsamoro Basic Law (BBL), at Pederalismo.

Aminado si Pimentel, bagama’t iilan lamang ang naturang panukala na kanyang binanggit ay kakailangan ng mahabang panahon para sa pagtalakay ng mga ito.

Tiniyak ni Pimentel na dapat ding pagtuunan ng pansin ng Senado ang nakahaing 1,242 bills at 297 resolusyon.

Binigyang-linaw ni Pimentel, na normal lamang ang mayroong mga negatibo at paiba-ibang opinyon kaya nararapat na patuloy na mayroong minorya sa Senado upang magkaroon ng balanse at mabusisi nang husto ang mga opinyon at panukala ng mayorya.

Kaya sa huli ang sabi ni Pimentel, ngayong bumalik na sila sa sesyon ay dapat ding bumalik na sila sa kanilang trabaho. (NIÑO ACLAN)


About Niño Aclan

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *