Thursday , March 30 2023

Martial law extension suportado ng solons (Narco-politicians hulihin muna — PNP)

NAKAHANDA ang mga kongresista na sumuporta sakaling hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang 60-araw martial law sa Mindanao.

Ayon kina Deputy Speakers Fredenil Castro at Gwendolyn Garcia, tiwala sila sa liderato ni Pangulong Duterte at sa pagtaya ng huli sa pangangailangan nang pagpapalawig ng batas militar.

“Well I can only surmise that lawmakers are out to support the president’s request because if they support it, the proclamation of martial law and the bases of martial is still there, then I don’t see any reason why the Senate and House of Representatives will withhold its support for an extension requested by the president,” ani Castro.

Habang sinabi ni Garcia, maraming impormasyon ukol sa rebelyon sa Mindanao na ang Pangulo ang naka-aalam bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Giit ng dalawang kongresista, nagtitiwala ang Kamara sa ano mang magiging desisyon ng presidente dahil naaayon ito sa batas.

“The House of Representatives has shown its full support and full confidence in the wisdom of the leadership of our commander -in-chief. And so whatever the president may deemed necessary for the good of the country the HOR will stand fully of its decision,” ratsada ni Garcia. (JETHRO SINOCRUZ)

NARCO-POLITICIANS
HULIHIN MUNA — PNP

INIHAYAG ng Philippine National Police nitong Lunes, inirekomenda nila ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao upang arestohin ang mga politikong sangkot sa illegal drug trade, ina-kusahan nilang nagpondo sa extremist groups sa inilunsad na kaguluhan sa Marawi City.

Ang 60-day effectivity ng martial rule, na idineklara ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte kasu-nod nang madugng sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at ng Islamic State-inspired militants, ay matatapos sa susunod na linggo

“Meron kaming position paper na ini-submit last Friday, expressing our stand [on] extending the martial law… pero hindi kami naglagay ng period basta, we are for the extension… The same ang scope, buong Min- danao,” pahayag ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa.

“‘Yung mga identified na narco-politicians who we believe to be supporting the cause of the Maute group still applies… Hulihin muna natin sila,” aniya.

Nitong 4 Hulyo, ibinasura ng Supreme Court ang mga petis-yong kumukuwestiyon sa deklarasyon ng martial law. Tinatayang 500 katao ang napatay simula nang sumiklab ang sagupaan sa Marawi City noong 23 Mayo.

About Jethro Sinocruz

Check Also

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *