Thursday , January 27 2022

Impeachment vs Sereno ‘wag ibasura — solon

TINAWAG na karuwa­gan ang planong huwag nang ituloy ang im­peachment proceeding laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Pahayag ito ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin hinggil sa plano ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na ihin­to ang nasabing pro­ceeding ngayong pina­talsik na ng Supreme Court ang punong ma­histrado na puwedeng magdulot  ng cons­titutional crisis.

Ayon sa mamba­ba­tas, dahil nakitaan ng komite ni Umali ng pro­bable cause ang im­peachment complaint, nangangahulugan ito na mayroon silang ebiden­siyang susuporta rito.

Dahil dito, dapat aniyang huwag matakot sina Umali bagkus ay manindigang ipagpa­patuloy ang impeach­ment proceedings kontra Sereno.

Iginiit ng kongresista na ang impeachment ang tanging paraan para maalis sa puwesto ang isang impeachable official. (J. SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Sa ‘Landbank theft’
SANLINGGO ULTIMATUM NG TEACHERS SA DEPED

ni ROSE NOVENARIO             ISANG linggo ang ibinigay na ultimatum ng mga guro sa Department of …

Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna …

Leave a Reply