John Mark Marcia Vern Kaye Mauro Salas

MATABIL
ni John Fontanilla

IF ever daw na may hahaplos sa isa sa lead actor ng VMX Film na Haplos ni Milagros na si John Mark Marcia, gusto niya ang Kapamilya actor na si Coco Martin.

Gusto kasi nitong mabahagian ng suwerte sa magandang showbiz career ni Coco.

Ayon nga kay John Mark, “Haplusin na lang ako ni Coco para magaya ko siya, para makuha ko ‘yung suwerte niya sa showbiz.”

Habang sa babae naman ay si Coleen Garcia ang gusto nitong humaplos sa kanya dahil bukod sa maganda ay mala-anghel pa ang dating sa kanya.

“Sa babae naman si Coleen Garcia, ang ganda-ganda kasi niya, para siyang anghel sa akin,” wika ni John Mark.

Para pa kay John Mark ay normal na lang sa showbiz ‘yung makatanggap ng indecent proposal at alukin ng kung ano-ano.

Proposal? Marami pero tinatanong ko kung magkano, joke lang,” sabay tawa ng VMX actor.

Dagdag pa nito, “Normal na po, normal na ‘yung ganyan sa showbiz, may nagtatanong-tanong,

“Ako po kasi friendly po akong tao talaga. Sabi ko sa kanya maging magkaibigan na lang tayo ‘di mo kailangan gumastos, ‘yun ‘yung sinasabi ko sa tao, dahil masarap akong maging kaibigan.”

Ibinahagi rin ni John Mark ang kanyang role sa Haplos ni Milagros.

Ako po si Erwin taga syudad po ako, bale mayroon po akong sakit na hindi maipaliwanag na tanging si Milagros (Vern Kaye) lang po ‘yung nakapag-pagaling sa akin.

“Pumunta ako sa bayan o sa barrio nila at pinagaling ako ni Milagros.”

Makakasama ni John Mark sina Mauro Salas, Anya Austria, Honey Abe, at Vern Kaye sa direksiyon ni Christopher Novabos. Mapapanood na sa VMX sa Aug. 14.