Lahat ng VMX film na ginawa ko makabuluhan at maganda—Mon Confiado
MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAPASALAMAT ang award winning actor na si Mon Confiado sa kanilang direktor sa VMX movie na Ang Modista na si Direk Ronald Espinosa dahil isinama siya sa movie.
Maganda kasi ang script at istorya nito, kaya naman very proud siya na makasama sa pelikula.
Tsika nga ni Mon, “First of all very thankful ako kay Direk Ronald, for casting me sa pelikulang ito, napakaganda po kasi ng script, ng istorya, ng pagkakagawa ni Direk Ronald (Espinosa), very proud ako na mapabilang ako sa proyektong ito.”
Dagdag pa nig aktor, “First, excited akong makatrabaho uli si Micaella (Raz) and si Kim (Yashiiii) naman kahit baguhan mahusay, makikita n’yo naman sa trailer na nagdeliver agad.”
Sinagot din ng mahusay na aktor sa kung bakit patuloy pa rin siyang gumagawa ng VMX movie gayong ‘di na niya ito kailangan dahil matagal na siya sa industriya at marami na siyang award na nakuha bilang mahusay na aktor.
“Very thankful ako kasi maraming nagtatanong na sa tagal ko sa industriya bakit gumagawa pa ako ng VMX project na parang ‘di ko na kailangan.
“Pero hindi ko kasi tinitingnan na ‘yung VMX o ‘yung konsepto na kumbaga sexy genre eh, ang mas importante sa akin ‘yung kuwento, ‘yung character na ipo-portray ko. Sino ang direktor ko o sino ‘yung makakasama ko.
“Alam ko kaagad na maganda ang kalalabasan ng pelikula, being an artist, hindi ako nakatingin sa sexy genre, siyempre ‘yun na ‘yung paraan para maibenta ng VMX.
“Pero at the end of the day lahat ng Vivamax film na ginawa ko makabuluhan at maganda.”
Hindi rin tinitingnan ni Mon na ang VMX ay pagpapa-sexy lang o erotic movie.
“Well binanggit ko na, na hindi ko tinitingnan as kumbaga sexy o erotic ang mga tema ng VMX film.
“Dahil siguro sa tagal ko na sa industriya confident na ako eh, wala na ako niyong ‘ah ang tanda mo na magbo-bold ka pa ba?’ Parang ganoon, hindi ko siya tinitingnan as erotic.
“Alam naman natin lahat na for more than 30 years na akong umaarte ay typecast ako sa pagiging kontrabida.
“Parang ‘pag kontrabida, parang kahit natutulog ipo-portray ko ‘yun, pero ‘yung ganitong klaseng role kasi bihirang dumating sa akin.”
Makakasama ni Mon sa Ang Modista sina Kim Yashiiii, Pablo Palma, at Micaella Raz sa direksiyon niRonald Espinoza mapapanood na sa VMX simula ngayong araw, Aug. 07.