Alden lifestyle bjnago nang mag-34
MATABIL
ni John Fontanilla
MALAKI raw ang nagbago sa lifestyle at pananaw sa buhay ng Kapuso actor na si Alden Richards nang tumuntong sa edad 34.
Pag-amin nga ni Alden na doble pangangalaga ang ginagawa niya sa kanyang sarili, nagbawas ito ng timbang kaya naibalik na niya ang kanyang ideal weight.
Ayon kay Alden, “Ako siguro, ‘yung approach ko is not about weight loss.
“Now that I am 34, my perspective in life is changing as well. It evolves as well.
“So, iba ko na tignan ‘yung buhay.”
Dagdag pa nito, “Sinimulan ko na rin ‘yung pagbalik sa gym for workouts, but it’s really more of self-care for me to be available to my loved ones.”
Malaki ang pagbabago sa kanya mula pagkain, sa kanyang mga ginagawa at mga pinanonood.
“Hindi lang siya about what I eat, what I do. It’s also what I think, what I consume. Of course, what I consume in terms of intellect, like ‘yung mga pinanonood ko. Iba na ‘yung preference ko ngayon. It’s a holistic shift, basically,”pagbabahagi pa ni Alden.
At ang pagkahilig nito sa sports, especially biking ay napakalaking tulong para kay Alden para mapanatili niya ang sarili na healthy.
Sa ngayon ay ongoing at napapanood sa VIU ang kauna-unahan nilang pagsasama ng award winning actress na si Nadine Lustre, ang series na Love, Siargao.