Mon Confiado Mikaela Raz Kim Yashi

I-FLEX
ni Jun Nardo

PATULOY pa ring gagawa ng VMX movies ang magaling na actor na si Mon Confiado dahil may may project na nagugustuhan niya at kakaiba sa mga mainstream movies na ginagawa niya.

Si Mon ang main lead actor ng bagong VMX movie na Ang Modista na makaniniig niya si Mikaela Raz at anak naman niya ang baguhang si Kim Yashi.

Isa ang Modista sa bagong VMX movies na streaming na ngayon at ang isa pang bagong VMX ay ang Haplos ni Milagros nina Vern Kaye at Anya Austria at sina John Mark Marcia at Mauro Salas na ang Viva Films ang maggabay sa kanilang career dahil sa issue sa manager nila.