Atty Joji may paalala kay Barbie: Your nationality follows wherever you are
I-FLEX
ni Jun Nardo
SIMPLE lang ang dream wedding ng babaeng cast ng Saving Cherry ng Regal Entertainment.
May gusto ng simple lang at kasama ang pamilya gaya ni Mikee Quintos. Pero una muna raw niyang hahanapin ang lalaking ‘yun!
Para naman sa bidang si Barbie Forteza, gusto niyang makasal sa Las Vegas Nevada in Vera Wang Gown!
Agad namang nagbigay ng piece of advise ang lawyer-producer na si Atty, Joji Alonso sa kanyang Facebook, kapag Pinoy ang napangasawa ni Barbie sa Vegas at nanatiling Pinoy throughout the marriage, ang divorce na mao-obtain niya eh hindi recognize under PH law.
Tuloy pa rin ang kasal niya due to what is known as “nationality principle.”
“Your nationality follows wherever you are. And since divorce is not recognized under Philippine law, you remain married to him.”
Maiiba raw kung foreigner ang pinakasalan ni Barbie at siya ay idini-vorced ng asawa niya.
“That divorce may be recognized under Philippine law since it would be sheer absurdity for you to continue being married to a foreigner who is no longer married to you.”
Take it from Atty. Joji, Barbie Girl.
Sa September masasaksihan ang kakikayan at kabaliwan ni Barbie kasama ng tropa niyang sina Mikee, Mika Salamanca, AC Bonifacio, at Sassa Gurl mula Regal Entertainment.