Bagong single ni Andrew E  na Pasta tiyak na pag-uusapan

Andrew E Pasta

IPINAGDIWANG ng Rap Icon na si Andrew E  ang kanyang kaarawan kasabay ng launching ng  pinakabagong single, ang Pasta kamakailan sa isang bar sa Quezon City.

Maganda ang melody at madaling sabayan ang lyrics na tiyak papatok  at magugustuhan ng bawat Pinoy.

Muli na namang madaragdagan ang hit song nito mula sa blockbuster hit na Humanap Ka Ng Pangit, Adrew Ford Medina, Wag Kang Gamol atbp..

Maituturing ngang isang henyo sa musika si Andrew E. na ang bawat awitin ay talaga namang niyayakap ng bawat Filipino.

Kaya naman ilang dekada na and dumaan ay nananatili pa ring paborito ng bawat Pinoy ang kanyang mga kanta, patunay lang na kahit ano mang henerasyon ang dumaan ay mananatili ang mga maituturing na ring iconic songs ni Andrew E.

Mapakikinggan na ngayon ang  Pasta sa mga pangunahing digital music streaming platform. (John Fontanilla)