Tuesday , October 19 2021
STL PCSO Balutan Atong Ang Sandra Cam
STL PCSO Balutan Atong Ang Sandra Cam

Kamara nagbanta sa PCSO (Sa bangayan ng mga opisyal)

NAGBANTA ang mga mambabatas sa nagbabangayang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa isyu ng lotto, sweeptakes at Small Town Lottery (STL) operations.

Ayon kina AKO Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe at Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo, dapat magkaisa ang liderato ng PCSO upang higit na mapagsilbihan ang publiko lalo ang mahihirap na sector.

“Ceasefire on the word war. Let’s be sober and stop the fighting. PCSO is a collegial body that no policy or program can be implemented without the approval of the Board.  The infighting can prevent the immediate realization of charity work to the detriment of the needy,” ani Castelo.

Kung matatandaan, lantaran ang naging pambabatikos ni PCSO board member Sandra Cam sa kasalukuyang liderato ng ahensiya, na naging simula ng iringan nila ni PCSO General Manager Alexander Balutan.

Sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement, tahasang inamin ni Balutan na si Charlie “Atong” Ang ang unang nagtangkang manuhol sa kaniya ng P200 milyon upang masolo ang STL operations sa buong bansa.

Pagbubulgar ni Balutan, magkasama umano sina Ang at Cam nang magtungo sa kaniyang tanggapan at ito ay kani-yang mapapatunayan dahil sa hawak niyang CCTV footages at mga retrato.

Samantala, muling nanawagan si House Minority Leader Danilo Suarez na huwag buwagin ang STL dahil aabot sa 400,000 empleyado ang mawawalan ng trabaho.

ni JETHRO SINOCRUZ

About Jethro Sinocruz

Check Also

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga …

Quezon Province

Gob ‘sabit’ sa dinukot na ‘saksi’ sa heinous crime (‘Biktima’ gustong suhulan)

MULING mahaharap sa panibagong kasong kriminal si Quezon Province Gov. Danilo Suarez matapos ituro ng …

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

Leave a Reply