Saturday , June 21 2025
congress kamara

Dengue vaccine program bubusisiin ng Kongreso

IIMBESTIGAHAN din ng Camara de Representantes ang kaugnay sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.

Inihayag ng minorya sa mababang kapulungan na maghahain sila ng re-solusyon para paimbestigahan ang multi-bilyong pisong halaga ng biniling Dengvaxia dengue vaccine.

Nais ng mga mambabatas na malaman at ng buong bayan kung sino ang may ka­salanan o nagku­lang dahil may mga buhay na nalagay sa panganib at dapat panagutin ang mga responsable rito.

Maging ang Makaba-yan bloc ay nakatakda rin maghain ng resolusyon para paimbestigahan ang Dengvaxia deal.

Ang panawagang imbestigasyon ay bunsod ng pahayag ng Sanofi Pasteur na posibleng maging sanhi ng “severe” case ng dengue ang gamot kung itinurok ito sa hindi pa dinadapuan ng virus.

Ngunit iginiit rin ng Sanofi na hindi awtomatikong magiging sanhi ng severe dengue ang gamot.

Samantala, nagpalabas ng pahayag ang World Health Organization (WHO), inilinaw na hindi nila inirekomenda ang paggamit ng Dengvaxia vaccine para sa immunization programs.

Binili ng gobyerno, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, ang bakuna at sinimulang ibigay sa public school children noong 2016.

Sinabi ng Department of Health, 733,000 school children na  ang nabigyan ng bakuna.

Sa naturang bilang, 200,000 ang nabigyan na ng tatlong doses.

Idinagdag ng DoH, 70,000 bilang ng nabakunahan ng Dengvaxia ay hindi pa nagkakasakit ng dengue bago ito itinu­rok sa kanila.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 – In a significant milestone for migrant worker reintegration …

San Jose del Monte CSJDM Police

Tatlong armado arestado
2 sekyu nailigtas sa mabilis na aksyon ng pulisya

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng pananakit, pananakot gamit ang baril, at pagdampot sa …

Bulacan Police PNP

Sa 24-oras na operasyon ng pulisya, 6 wanted sa batas nasakote

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang anim na indibidwal na na pinaghahanap ng batas sa …

No Firearms No Gun

Kawatan nanlaban, sapul sa pakikipagpalitan ng putok sa mga parak

SUGATAN ang isang lalakin matapos makipagpalitan ng putok kasunod ang mabilis na pagresponde ng mga …

ArenaPlus basketball coaching clinic FEAT

ArenaPlus empowers coaching clinic shaping future basketball champions

The future of basketball is bright as ArenaPlus, the country’s best sportsbook, partnered with coach …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *