Thursday , January 16 2025

No hacking, terrorism sa BPI, BDO glitch

IPINAKIKITA nina Sen. Chiz Escudero at Thomas Victor Mendoza, SVP-Transaction Banking Group ng BDO, ang ATM device sa pagdinig ng Senado kahapon, kaugnay sa naganap na ATM glitch sa BDO at BPI. (MANNY MARCELO)
IPINAKIKITA nina Sen. Chiz Escudero at Thomas Victor Mendoza, SVP-Transaction Banking Group ng BDO, ang ATM device sa pagdinig ng Senado kahapon, kaugnay sa naganap na ATM glitch sa BDO at BPI. (MANNY MARCELO)

WALANG naganap na hacking at terrorism sa BPI at BDO glitch.

Ito ang sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero, chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institutes and Currencies/Finance, makaraan ang imbestigasyon sa napaulat na pagkakabawas at pagkakadagdag sa account ng ilan sa kani-kanilang depositors.

Ayon kay Escudero, napatunayan nila sa pagdinig na kaya nilang tiyakin sa publiko na walang dapat ipangamba ang mga customer at depositor ng mga naturang banko.

Napag-alaman ni Escudero, human error ang naganap sa panig ng BPI kung kaya’t nagalaw ang system nito.

Tinukoy ni Escudero, walang intensiyon ang may sala dahil wala si-yang kinabibilangang grupo o hindi miyembo ng mga hacker at siya ay ga-ling sa isang kilalang paaralan at nagtapos nang mayroong kara-ngalan.

Samantala sa BDO, sinabi ni Escudero, ito ay pakana ng mga sindikatong gumagawa ng scam o gumagamit ng skiming devices sa ATM machines.

Ang nangyari sa BDO ay nangyayari rin aniya sa iba pang mga customer ng ibang banko na biktima rin ng mga mahilig magnakaw.

Kaugnay nito, sinabi ng mga kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi lamang sa Filipinas na mga banko nangyari ang ganitong insidente kundi maging sa ibang mga banko sa ibang mga bansa.

Naniniwala si Escu-dero, malabong mangya-ring ma-hack ang natu-rang mga banko nang ganoon na lamang kabilis lalo na’t matagal at matatag na.

Tiniyak ng mga kinatawan ng BPI at BDO, nagpapatupad sila ng security measures at aga-rang tiniyak na napangangalagaan ang mga deposito ng kanilang mga customer.  (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *