Saturday , July 27 2024

Sumisirit na singil sa tubig at koryente sukatan sa 2022 elections (Kapalpakan ng Meralco, Maynilad at Manila Water ibibintang kay Duterte)

HINDI nakapagtataka kung malaki ang maging epekto sa mga kandidatong ieendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections kapag hindi nasolusyonan ang problema sa mataas na singil ng koryente at tubig sa panahong patuloy ang pananalasa ng COVID-19.

 

Babala ito ni Senator Imee Marcos batay sa ipinakikita at ipinararamdam na diskontento at alboroto ng mga customer ng Meralco, Maynilad, at Manila Water sa sobrang taas ng singil sa konsumo sa koryente at tubig sa nakalipas na tatlong buwan simula nang ideklara ang lockdown.

 

“Naku, siguradong maaapektohan ang mga kandidato ng administrasyon na tatakbo sa 2022 presidential elections dahil diyan sa isyu ng koryente at tubig. Sobrang taas ng billing ng Meralco, Maynilad, at Manila Water. Paano nangyari yon?” tanong ni Marcos.

 

Sinabi ni Marcos, malaking usapin ang koryente at tubig sa pang-araw-araw na buhay ng taong-bayan, at kinakailangang kumilos mismo ang Pangulo para maitama ang singil kung nais manalo ang kanyang mga kandidato sa darating na halalan.

 

“Hindi malayong matalo ang mga kandidato ng administrasyon sa darating na eleksiyon sa 2022 dahil sa isyu ng koryente at tubig. Kaya ngayon pa lang dapat tapusin na ang problema at pagpaliwanagin ang Meralco, Maynilad, at Manila Water. Kung mayroon dapat managot, papanagutin at kasuhan.” pahayag ni Marcos.

 

Binigyan diin ni Marcos, kailangang magkaroon muna ng aktwal na meter reading sa mga kontador ng bawat customer bago maningil ang Meralco, Maynilad, at Manila Water na pagbabatayan ng billing ng tatlong kompanya.

 

“Ano sila nanghuhula? Hindi naman dapat ibase lang ng Meralco, Maynilad, at Manila Water sa ‘estimate’ ang singil sa koryente at tubig ng ating mga kababayan.  Sobra naman ang estimate nila, kaya hayan tuloy nagkakagulo-gulo, galit ang taongbayan!” dagdag ni Marcos.

 

Binalaan din ni Marcos ang Meralco, Maynilad, at Manila Water na hindi kailangang gawin ang pagputol ng koryente at tubig kung hindi man nakababayad ang kanilang customer dahil sa hindi katanggap-tanggap na billing pati na ang hindi maayos na serbisyo.

 

“Palpak na nga ang serbisyo, pati billing palpak na rin! Kaya ‘wag silang mamumutol ng koryente at tubig.  Sobra naman ata ‘yan! Ang daming naghihirap at namamatay dahil sa COVID, pero parang walang pakialam talaga ang mga may-ari ng Meralco, Maynilad, at Manila Water. Manhid!” galit na pahayag ni Marcos. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *