Thursday , April 24 2025
bagman money

P2.26-B NGP fund gamitin sa trabaho ng mga sinalanta ng bagyong Odette

“ANG bultong pondong P2.26 bilyon para sa reforestation ay dapat mapunta sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette para mabigyan ng trabaho at kabuhayan ang mga biktima habang nagtatanim ng mga puno sa mga lugar na nasira ng kalamidad,” ayon kay Senator Joel Villanueva.

Ani Villanueva, ang P2.26 bilyong pondo para sa National Greening Program (NGP) ay makapaghahatid ng trabaho para sa mga residente na nawalan ng kabuhayan dahil sa bagsik ng epekto ni Odette.

Dagdag ni Villanueva, nasa posisyon ang pamahalaan na gamitin ang pondo ng NGP para makapagbigay ng kabuhayan sa mga biktima at maprotektahan ang kapaligiran.

“Ang pagkasira ng mga kagubatan ay magdudulot ng higit na pinsala o landslide dahil nawalan sila ng forest at mangrove cover,” paliwanag ni Villanueva.

“Pero ang good news, kaya po itong maiwasan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at pagbibigay ng trabaho sa mga taong nasalanta,” ani Villanueva.

“Matutugunan ang pangangailangan ng kabuhayan at ang pagtatanggol sa kalikasan. Mas mainam na ang ‘relief’ ay trabaho lalo na kung nakatutulong sa kalikasan,” ayon kay Villanueva.

Aniya, magagamit ang pondo para sa NGP para sa mangrove planting na magsisilbing fish nursery at maging “tsunami and storm surge armor” para sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Ang NGP ay inilunsad noong 2011, at ang P2.26 bilyong pondo nito ay isa sa mga programa sa ilalim ng P19-bilyong pondo para sa 2022 ng ahensiya para sa kapaligiran at likas na yaman. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

042225 Hataw Frontpage

Pope Francis pumanaw, 88

HATAW News Team NANAWAGAN si Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of …

Ogie Diaz Camille Villar

Patutsada kay Camille Villar
Serbisyo ng PrimeWater ayusin — Ogie Diaz

IMBES mangako ng pabahay sa bawat pamilyang Filipino, dapat unahin ni Las Piñas Rep. at …

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

NAKAKUHA ng malakas na suporta ang TRABAHO Partylist mula sa partidong pinangungunahan ni Dipolog City …

Arrest Posas Handcuff

Mailap na illegal recruiter nadakma sa labas ng simbahan

NASAKOTE ang isang babaeng matagal nang wanted sa pagiging illegal recruiter sa labas ng isang …

Norzagaray Bulacan police PNP

Inabangan, inundayan ng saksak
Lalaki patay sa Norzagaray, Bulacan

BAGO nakatakas, nagawang arestohin ng mga awtoridad ang isang lalaki na pumatay sa kaniyang kaalitan …