Thursday , November 30 2023
sandiganbayan ombudsman

Ex-Vice Gov Abdusakur Tan at anak pinakakasuhan

NAGPALABAS na ng kautusan ang Ombudsman para ihain ang information complaint sa Sandiganbayan laban kina dating Sulu vice governor Abdusakur Tan at sa anak na si Maimbung, Sulu Mayor Samier Tan nang mabigong isumite ang kanilang SALN.

Inaprubahan ni  Ombudsman Conchita Carpio- Morales ang rekomendasyon na sampahan ng kaso nang makitaan ng  probable cause para sampahan ng kaso si Abdusakur ng five counts, paglabag sa Section 8, ng Republic Act 6713 at 2 counts para kay Samier Tan sa kahalintulad na kaso.

Samantala, inabsuwelto si Abdusakur Tan II dahil sa kawalan ng probable cause para maidiin siya sa kasong isinampa laban sa kanya.

Nagsagawa  ng im-bestigasyon ang Ombudsman dahil umano sa hinihinalang ill-gotten wealth ni  Abdusakur Tan II, matapos lumobo ang idineklara niyang SALN.

Nabatid, mula sa  P 1,868,133 noong 2013, naging P31,866,366.33 na ang kanyang yaman noong 2014.

Kinasuhan ang mga Tan ng kalaban sa politika na si Temogen Tula-wie makaraang makakuha ng kopya ang huli ng mga SALN ng tatlong i-naakusahan.

Base sa dokumento, hindi nag-file ng kanyang SALN ang nakatatandang Tan noong 2001-2004 at 2007-2012.

Habang si Samier Tan naman ay nabigong ihain ang kanyang SALN noong 2010 at 2011.

Si Abdusakur Tan II ay naghain ng unverified SALN noong 2013-2014  pero lumalabas na isa lamang daw itong administrative lapses kung kaya’t dinismis ang kaso laban sa kanya.

(JETHRO SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

Mr DIY Kramer 1

MR.DIY HOLI-DIY Event Shines Bright with Team Kramer at Ayala Malls Feliz
With Exciting Prizes & Meet and Greet with MR.DIY’s Celebrity Endorser

Host Nicolehyala (far left in photo) with Team Kramer Doug, Cheska, Kendra, Scarlett, and Gavin …

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na …

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *