Monday , September 25 2023

Sekyu sa entrance ng Resorts World isa lang, walang armas (Nang atakehin ni Carlos)

UMAMIN ang security agency ng Resorts World Manila na isa lamang ang hiningi sa kanilang security detail ng management ng hotel para magbantay sa entrance ng establisiyemento.

Ito ay makaraan tanungin ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang Lanting Security sa ginanap na pagdinig ng Committees on Games and Amusement, Tourism, at Public Order and Safety, kahapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Pinangunahan ni Games and Amusements chairperson Parañaque Rep. Gus Tambunting, Tourism chairperson Leyte Rep. Lucy Torres Gomez, at Public Order and Safety chairperson Antipolo Rep. Romeo Acop, ang nasabing pagdinig para malaman ang mga naging pagkukulang.

Lumabas sa pagtatanong, ang bantay sa entrance na security guard ng Lanting Security Agency ay isang babae at walang armas kaya nang makitang armado ng M4 armalite ang suspek na si Jessie Carlos, ay tumakbo.

Lumabas din sa pagdinig na hindi mahigpit ang seguridad nang pumasok ang suspek, kahit 250 ang security guard sa loob at mayroong 2,500 CCTV cameras.

Napaamin din ni Fariñas si Armeen Gomez, hepe ng RSW Safety, Security and Surveillance, na hindi niya binigyan ng impormasyon ang pulis-ya hinggil sa pagkakaron ng isa pang surveillance office sa kalapit na Re-mington Hotel.

Nang tanungin si Gomez kung sapat ang kanyang kaalaman hinggil sa trabaho at kung nakapagtapos ng pag-aaral, ina-min niya na hindi siya naka-graduate at isa si-yang turn-back ng Philippine Military Academy (PMA).

(JETHRO SINOCRUZ)

CASINO TRAGEDY
‘CLOSE CASE’

IPINAKIKITA ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang retrato ng suspek na kinilalang si Jessie Carlos, responsable sa pag-atake sa Resorts World Manila na ikinamatay ng 37 katao. (BONG SON)
IPINAKIKITA ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde ang retrato ng suspek na kinilalang si Jessie Carlos, responsable sa pag-atake sa Resorts World Manila na ikinamatay ng 37 katao. (BONG SON)

INIHAYAG ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, itinuturing nang “close case” ang nangyaring  trahedya sa Resorts World Manila (RWM) na ikinamatay ng 38 katao.

Ayon kay Albayalde, para sa kanila ay sarado na ang kaso ng RWM, na ikinamatay ng 38 katao, kabilang ang gunman na si Jessie Javier Carlos.

Gayonman, patuloy ang kanilang imbestigas-yon kaugnay sa security lapses ng security personnel na nakatalaga sa RWM.

Aniya, kahit pa maituturing nang sarado ang kaso, depende pa rin sa magiging takbo ng imbestigasyon kung ang pamilya ng mga biktima ay magsasampa ng kasong civil at kriminal laban sa management ng RWM.

Ang civil case ay danyos na hihilingin ng mga kaanak ng mga namatay at nasugatan sa insidente.

Habang ang criminal case ay pagsasampa ng negligence resulting in multiple homicide at multiple frustrated homicide laban sa management ng RWM.

Dagdag ni Albayalde, hanggang sa ngayon ay wala pang kaanak ng mga biktima na nagsasampa ng kaso laban sa RMW.

Sa ngayon, ang huma-hawak ng kaso sa nangyaring trahedya ang Special Investigation Task Group (SITG) at sila ang maghahain ng mga kaso laban sa RWM.

(JAJA GARCIA)

About Jethro Sinocruz

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *